BIHIRA NA AKONG makapunta sa Cultural Center of the Philippines o CCP. Sa katunayan nga, tuwing buwan ng Hulyo lamang ako nakakabisita roon para suportahan ang mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya Film Festival.
Noong nakaraang Linggo, napanood ko ang huling pagtatanghal ng Tatlong Tabing: Three Plays by Tony Perez. Dito ko napansin ang ex-Pinoy Big Brother II housemate turned Kapuso actor na si Bodie Cruz. Isa kasi siya sa bida ng Sierra Lakes, kung saan gumanap siya bilang isang lalaking musikero na hindi magawang maging masaya sa buhay pag-ibig.
Kapansin-pansin din ang pagganda ng katawan nito nang lumabas ito sa entablado na naka-sando lamang. Parang kailan lang nang mapanood ko siya sa TV bilang isang Computer Programmer na naglakas-loob na makipag-sapalaran sa loob ng bahay ni Kuya. Dati, ang tingin lang ng mga tao sa kanya ay anak lang siya ni Tirso Cruz III. Kalauna’y napatunayan din niya na may ibubuga rin siya pagdating sa mga iba’t ibang tasks na iginagawad sa kanila at kahit papaano’y naging in-demand din ito sa mga fans nang ito’y nakalaya na sa 24/7 TV set-up. Naaalala n’yo ba ang naudlot nilang love story ni Gee-Ann Abraham?
Hindi man ito naging
leading man sa isang teleserye, masasabi namang hindi nawala sa eksena si Bodie. Lumipat ito sa Kapuso Network dalawang taon na ang nakararaan. Lumabas
na rin ito sa iba’t ibang programa ng Siyete tulad ng Zorro, Bluffing, Grazilda, Blusang Itim at Iglot. Pumasok na rin sa showbiz ang kanyang younger sister na si Djanin Cruz. Ito naman ay isa ring certified Kapuso ta-
lent na lumabas sa Grazilda bilang isa sa kapatid ni Glaiza de Castro at sa Sinner or Saint bilang ever supportive bestfriend ni Bianca King.
Sa totoo lang, may potensyal din talaga na maging prime leading man ng Siyete si Bodie kung bibigyan lamang ito ng tamang proyekto. Maliban sa kanyang acting talent na siguradong mailalabas niya kung mabigyan siya ng meaty roles, macho gwapito pa ito!
Kasali si Bodie Cruz sa cast ng Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda. Sana’y ma-bigyan na ito ng mas magarbong proyekto sa telebisyon o di kaya’y makasama sa isang indie film. Anyway, good things come to those who wait. Slowly but surely, Bodie!
By Mica Rodriguez
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club