TAMA NGA ANG sinulat ni Cristy Fermin sa column niya na nakasusuka na ang lambingan nina Dra. Vicki Belo at itong si Dr. Hayden Kho.
Hindi naman yata talaga nag-break at mabuti na lang may hold order si Hayden dahil kung wala, naku day, tiyak na panay na naman ang biyahe nila.
Kamakailan lang, nakausap ko nga si Vicki, dineretso ko na nang tanong kung sila pa rin ba ni Hayden.
Hindi naman niya sinabing sila pa rin pero may kiyemeng okay lang naman daw sa anak niyang si Cristalle Henares at nakakausap na nga raw ito ni Cristalle.
Hay naku! Tinalakan ko talaga si Vicki! Sinabi ko sa kanya na kung si Hayden pa rin ang pag-uusapan namin, huwag na lang niya ako tawagan.
Hindi naman nagbago ang friendship namin ni Vicki eh. Nandiyan pa rin ang suporta ko sa kanya, pero kung pati si Hayden tutulungan ko, huwag na lang, ‘no!
Alam naman niyang hindi ko talaga matanggap si Hayden at kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya kay Katrina at sa iba pang babaeng nakaladkad sa iskandalong iyun.
NU’NG NAKAUSAP NGA ng Startalk si Sen. Bong Revilla sa last shooting day ng Panday, sinabi talaga nitong medyo disappointed siya sa desisyonng ibinaba ng PMA na bigyan ito ng isang taong suspension.
Ano nga ba naman ‘yang isang taong suspension, ‘di ba? Kaya ang hinihintay na lang daw nito ay ang sa PRC dahil iyun talaga ang makakapag-decide kung tatanggalan ba ito ng lisenya.
Sabi pa nga ni Bong, sana maganda rin daw ang resulta ng DOJ na dapat ay makasuhan si Hayden at pagbayaran ang nagawa nitong kasalanan.
Ako naman, hindi ko hinihingi na kailangan makulong pa si Hayden. Ang matanggalan lang siya ng lisensya at hindi na ito puwedeng mag-practice nang pagka-doktor ay sapat na iyon para mapagbayaran niya ang ginawa niyang kabastusan.
Basta nililinaw ni Bong na hindi nagbago ang pakikipaglaban niya na mabigyan ng tamang hustisya ang ginawa kay Katrina dahil naniniwala itong dapat na mabigyan ng leksyon ang gumagawa ng ganitong kahalayan.
Dapat na makita raw ito ng mga tao na dapat managot si Hayden at kung sino man ang nagkalat nito para hindi ito pamarisan.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Bong sa abugado ni Katrina, para hindi na makalimutan ang kasong ito.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis