NANG MAPANOOD namin ang advance screening ng Indio ni Bong Revilla, Jr., namalik-mata kami sa ganda ng epic teleserye ng GMA 7 na dinirek ni Dondon Santos. Ito ang kauna-unahang primetime project and most expensive television drama-fantasy series ng award-winning actor.
Kinilabutan si Sen. Bong habang pinanonood ang kanyang drama-fantasy series on the big screen. Sinabi nito na bihira sa isang proyekto na ganu’n ang kanyang pakiramdam. Akala raw niya, siya lang ang may ganu’ng feeling, pati pala ‘yung mga katabi sa sinehan ay kinikilabutan din.
Hindi gawang biro ang hirap at preparasyong ginawa ni Bong bago simulan ang epic teleserye. Kahit alam na nating magaling siyang action star, nag-workshop pa rin siya kay Laurice Guillen at Pen Medina para lalong mahasa ang galing niya sa pag-arte. Kinuha din niyang acting coach si Philip Salvador para lalong lumabas ang acting power niya sa mabibigat na eksena. Nakatutok talaga si Kuya Ipe sa location para bigyan ng moral support ang kanyang matalik na kaibigan. Workout, diet, sama-sama ‘yun para maging physically fit ang actor/politician sa kanyang teleserye.
Binigyang-linaw ni Bong na ang GMA 7 ang pumili ng kanyang leading ladies na sina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, Maxene Magalona at Sam Pinto, pati na rin ang buong cast sa nasabing biggest budget ever ng Siyete for televison.
Sabi niya, “Movie talaga ang dating nito, bigger than a movie. Hindi ito isang pelikula lang para buuin ang ganyang kalaking cast. Katumbas nito, apat o limang pelikula, ganu’n katindi. Makikita mo naman kung gaano ginastusan ang proyektong ito ng GMA-7 para lalong mapaganda sa ikasisiya ng manonood.”
Comment ni Bong tungkol sa controversial issue nina Sarah Lahbati at ng GMA-7? “Nalulungkot ako sa nangyari dahil kasama sa cast si Sarah. Ayaw kong mag-comment dahil hindi naman ako involved sa issue. Sana maging maayos na ang lahat, magpaliwanagan para matapos na itong problema.”
For along period of time, bakit ngayon lang naisipan ni Bong na gumawa ng teleserye sa kanyang home studio? Anong approach ang ginawa ng GMA-7 para mapapayag ang action superstar? “I want to do something new na sabi ko, action-fantasy. Gusto ko ‘yung may matututunan ang audience, may moral lesson. Kaya nga, nang i-offer ito sa akin, sabi ko, perfect itong project para sa akin. Siyempre, nakita natin ‘yung ganda ng ibang fantasy series. Sabi ko, kung hindi man natin mapantayan, kailangang higitan natin,” say nito.
Simula na kaya ito nang paggawa ni Bong ng teleserye sa Kapuso network? “I don’t know, ayaw kong magsalita nang tapos. Sabi ko nga, may first and last. Mahirap, hindi ganu’n kadali ang pagkagawa ng teleserye. I’m not getting any younger then. Siyempre, makagawa ka ng isang ganito na it will mark in the history ng telebisyon. Sa pelikula, nakagawa na tayo.”
Confident si Bong na magiging top-rated show ang kanyang serye. “Walang kakurap-kurap! Makikita naman sa proyekto na kahit ano ang itapat ninyo, ibang klase ito. May historical background, 1560’s to1600. Location, Pagsanjan Laguna, Bulinao, Pangasinan. Pati dialogue, malalalim na tagalog, Spanish, napakahirap, kai-langang bigkasin mo ‘yun nang tama,” wika niya.
As much as possible, ayaw mag-comment si Bong kung hanggang first season lang itong kanyang teleserye. Kung magtutuloy-tuloy raw ito, mahihirapan siyang gumawa ng pelikula. “Depende kung hanggang saan aabot ito, mahirap kasi sabay ang movie and television,” paliwanag ng action star.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield