MALA-PELIKULA RAW ang dating ng epic-serye ni Sen. Bong Revilla. Kitang-kita nga ang sobrang saya niya habang ikinukuwento ang kanyang bagong show sa GMA 7.
Ikinuwento nito na pinaghandaan niya talaga ang soap na ito mula sa pagda-diet at work-outs kahit busy sa kanyang trabaho bilang senador at family man.
“Daig pa nito ang pelikula sa laki,” he says. “I got so excited when it was offered to me as nothing like this has been done on local TV before.
“It’s very challenging for me to do a daily drama like this, set in the 1600s pa. So, I have to psych myself up to talk like people of that time.
“Nag-acting workshop and also prepared myself physically and I went on diet and do rigorous physical work-outs na isinisingit ko sa aking very tight sched as a senator and also with my duties as a family man.” Pagtatapos ng masipag at mabait na senador.
NGAYONG 2013, wish ng Kapuso Tweenstar na si Teejay Marquez ang magkaroon muli ng primetime soap. Medyo matagal-tagal na rin daw siyang nabakante sa paggawa ng soap, kung saan sana ay makakasama siya sa higanteng soap ng GMA na Haram, kaya lang ay pansamantalang na-shelve ito.
Mas naging visible daw si Teejay sa paggawa ng commercial at dalawang indie film, ang Basement ng GMA Films at Pagari, Mohhamad Abdulla, na parehong ngayong taon ipalalabas. Magiging guest din si Teejay sa Magpakailanman.
Pinasok na rin ni Teejay ang recording scene kung saan nag-record ito ng kanyang kauna-unahang single na “Angel In The Sky” na siya ring theme song ng Pagari, Mohhamad Abdulla.
Sa ngayon daw ay may niluluto nang proyekto para kay Teejay ang GMA 7. Ayaw pa lang nitong sabihin kung anong title at kung sinong makakasama niya, dahil baka raw maudlot ito. Kapag sure na sure na raw ay tsaka na lang siya magkukuwento.
IPINAKILALA LAST January 12 sa Kangaroo Jack sa Cubao, Q.C. ang mga kandidata at kandidato sa ika-3 taon ng Mr and Ms Olive C Campus Model Search 2013 na gaganapin sa Feb. 2, 2013 sa AFP Theater Camp Aguinaldo, Q.C. 6:00 p.m.
Maaalalang sa Mr and Ms Olive C galing ang matinee idol ng GMA 7 na si Hiro Magalona at ang Ms. Earth Water 2011 na si Mauriel Orais na siyang naging kauna-unahang winner ng Mr and Ms Olive C Campus Model Search.
Samantalang ang reigning winner naman na si Aljohn Lucas o mas makikilala sa kanyang screen name na Jon Lucas ay isa nang official Star Magic Talent at makakasama sa soap ni Angeline Quinto, kung saan gaganap na ka-
patid ng singer/actress, habang ang co-winner nitong si Rohama Rearte ay unti-unti na ring nakikilala sa mundo ng fashion at modelling.
Ayon nga kay Sir Jaime Acosta, ang CEO/President Psalmstre, “Masaya ako sa naging resulta ng aming paghahanap sa male and female official candidates dahil ang image ng aming sabon ay dapat wholesome, fresh, young at maganda ang kutis. Sa loob ng isang taon na paghahanap ay puro guwapo at magaganda naman silang lahat. Karamihan pa, sila ay may lahi, kaya swak sa brand projection namin this year of targeting international market.”
BONGGA ANG naging presscon/launching ng Ginuman Fest ng Ginebra San Miguel na naganap sa Area 05 sa Q.C. last Saturday kung saan nagbigay ng sample ng kani-kanilang awitin ang mga bandang kasama rito tulad ng Rocksteddy, Callalily, Kenyo at Itchyworms.
Dumalo at nagsilbing host ng nasabing launch ang Ginebra 2013 calendar girl na si Georgina Wilson kasama ang DJ na si China Heart. Tsika nga ni Georgina na makakasama siya sa ibang tour ng Ginuman Fest with Anne Curtis, Maja Salvador at Solenn Heussaff, pati na ang dance sensation na si Jhong Hilario.
Sa festival na ito, P100,000.00 in prizes ang mapapanalunan bawat leg. Ito ang paraan ng pasasalamat ng GSM sa milyon nilang kalahi na patuloy na tumangkilik upang maging number one gin ang inumin.
Magsisimula ang Ginuman Fest sa January 19 sa Plazuela sa Tarlac City at susundan ng Davao (Ferbuary 1), San Fernando, La Union (Feb. 16), San Pedro, Laguna (Feb. 23) at sa iba’t iba pang bahagi ng bansa kung saan sa Manila ang last leg sa June 8, 2013.
John’s Point
by John Fontanilla