Bong Revilla, magte-taping ng show sa kulungan kung sakali

Bong-RevillaHOW TRUE na kung sakaling dakpin at ikulong si Senator Bong Revilla sa Camp Crame kapag napatunayang guilty sa kasong plunder ay willing pa rin daw siyang ituloy ang kanyang lingguhang programa sa GMA?

If ever, Bong doesn’t mind taping for the show kahit sa Crame ‘yon gawin. Ang tanong: pumayag kaya ang GMA? Ibigay kaya ng istasyon ang kunsiderasyong ‘yon ng senador na nais pa ring magtrabaho at maghatid ng amazing stories?

Anyway, parang hindi naman kinakikitaan si Bong ng lungkot o depresyon should that likely incarceration come about.

Isang tao kasing malapit sa mambabatas ang may kumpiyansang nagsabing, “Laya rin naman siya ‘pag hindi na Presidente si P-Noy, eh!”

But lest we forget, ang pinuno ng Ombudsman (na magdedesisyon sa kapalaran ng mga scammer) ay hindi co-terminus ng Pangulo.

MALIWANAG NA at the onset ay dalawang season o katumbas ng 26 episodes lang ang itatagal sa ere ng original photo-aided game show na Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo.

But thanks to its format, on the marketing side ay napakadali itong ibenta sa mga advertiser, kaya naman nasa Season 3 na ito.

Pero bago ni-renew ni Ryan ang kanyang program contract, balitang alisto pala ang pamunuan ng TV5 para sa pagbabalik ng Talentadong Pinoy which he hosted for several seasons.

Since Ryan is a Kapuso with respect to this program, he can grab TV5’s offer. Kaso, we heard na noong nakipag-meeting daw si Ryan sa management over dinner ay naging honest naman daw ito sa pagsasabing the station is resurrecting Talentadong Pinoy, only that it will undergo some reformat.

While Ryan is open to such changes, nag-iba raw ang timpla ng TV host-actor when bluntly told na wala pa silang klarong format na puwedeng ilatag sa kanya.

Ryan managed to keep his col, pero nagdayalog daw ito ng, “Eh, kung wala pang klarong format, eh, ‘di mag-dinner na lang tayo.”

At kumain na lang silang lahat, literally leaving their plates empty of food as well as reformatting ideas.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleLani Mercado, walang pinag-iba kay Susan Roces
Next articleJinggoy Estrada at JV Ejercito, Barretto sisters ng pulitika

No posts to display