DINATNAN NAMIN NA magkatabing nagbibiruan, nagtatawanan ang mag-amang Bong Revilla at Jolo Revilla habang kumakain ng balot sa taping ng “Pepeng Agimat.” Buti na lang, pinayagan ng GMA-7 ang Senador na mag-over-the-bakod para suportahan ang kanyang anak.
“Nagpaalam ako sa kanila, naintindihan naman nila ‘yung point ko. Siyempre, sa kabilang istasyon nagte-taping si Jolo kaya ma-ayos naman akong nagpaalam,” paliwanag ni Bong.
Wala bang panghihinayang ang GMA na sa Kapamilya network napunta ang mga blockbuster film ni Ramon Revilla, Sr. na ngayon ay naging teleserye?
“Siyempre, hindi mo maaalis ‘yun na nanghihinayang sila, maganda ‘yung istorya, maganda ‘yung project. Si Daddy palaging pinapanood ‘yun, kasi siya ‘yung ‘Agimat ni Ramon Revilla,’ Kahit nasa GMA tayo siyempre, pangalan ng Revilla ang nandyan and at the sametime si Jolo ang bida,” say niya.
Ano naman ang plans ni Jolo sa career niya?
“Magtuluy-tuloy na siya, sabi ko nga, pag-igihan niya. Kumbaga, ito ‘yung magandang break na ibinigay sa kanya ng ABS. Ang maganda pa nito, ibinigay nila kay Jolo ang pang-Pasko. Binigyan ng importansiya ang anak ko ng ABS-CBN kaya natutuwa ako. Ito ‘yung masasabi kong second break sa ABS –CBN.
“Sabi ko sa kanya, mag-ingat ka sa pag-ibig at baka ma-take two ka. Maraming trials din ang dumating sa buhay niya at tingin ko naman, this time, serious na siya sa career niya,”pahayag ni Bong.
Siyempre, naging topic din ng usapan namin ni Bong ang pelikula niyang “Panday” with Iza Calzado, Rhian Ramos and Phillip Salvador. Buong pagmamalaki niyang pinapanood sa amin ang trailer ng nasabing pelikula. Wala kaming masabi sa ganda at pati ang visual nito ay parang imported ang dating. Sure winner ito sa takilya sa darating na Metro Manila Film Festival.
Balitang nag-request daw sina Iza Calzado at Rhian Ramos na magkaroon sila ng kissing scene with Bong. “Ewan ko kay Direk Mac, sila ‘yung nakakaalam. Mayroon akong kissing scene with Iza kasi siya ‘yung leading lady ko. Tapos ‘yung kay Rhian dapat nga meron pero baka ma-Hayden Kho tayo n’yan. Ayaw kong masabi na nag-take advantage ako sa aking leading ladies. Kami lang ni Iza ang may kissing scene dito, very passionate as you can see naman sa trailer,” turan ng action superstar.
MASUWERTE SI RHAP SALAZAR at siya ang napili ng Western Union para awitin ang “Galing ng Pinoy.”
It speaks of the strength and perseverance of the OFWs. In July 2009, he brought home top honors, as the Junior Grand Solo Vocalist and Junior Grand Champion Performer of the World Champion of the Performing Arts (WCOPA).
Nilampaso niya ang thousands of contestants from 48 countries.
At a very young age, masasabing world-class talent na itong si Rhap for a song that talks about the world-class Filipino. Napakinggan namin kung paano awitin ni Rhap (CD) ang “Galing ng Pinoy” and you can feel the sincerity in every line he delivers. Ramdam mo nanggagaling sa puso niya with emotion ang bawat word ng song.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield