Bongga at exciting ang MMFF 2016

MMFF 2 - Iza Calzado
MMFF 2 – Iza Calzado
MMFF 5 - Iza Calzado & Epi Quizon
MMFF 5 – Iza Calzado & Epi Quizon
MMFF 1 - Wilson Tieng - Iza Calzado - MMDA Chairman Emerson Carlos - Boots Anson Roa Rodrigo - Epi Quizon
MMFF 1 – Wilson Tieng – Iza Calzado – MMDA Chairman Emerson Carlos – Boots Anson Roa Rodrigo – Epi Quizon
MMFF 6 - Jett Pangan
MMFF 6 – Jett Pangan
MMFF 3 - Epi Quizon
MMFF 3 – Epi Quizon
MMFF 4 - Epi Quizon & Iza Calzado
MMFF 4 – Epi Quizon & Iza Calzado

Maynila, Hunyo 28, 2016 – Inanunsyo ng MMFF 2016 ang restructure nito at ang kapana-panabik na mga stream of events na magaganap sa loob ng anim na buwan papunta sa pinakahihintay na movie festival na magaganap sa Disyembre.

Opisyal na binuksan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang refreshing at bagong season nito ngayong 2016. Sa misyon nitong ipagdiwang ang artistic excellence ng mga Pilipino, at pag-ibayuhin ang sustainability ng Philippine film industry, inilunsad ng MMFF ang  isang cinematic revolution o #reelvolution — at lahat ay bahagi sa magandang pagbabagong ito.

Noong unang quarter ng taong ito, binago ng MMFF ang mga board of directors nito, at pinagsama-sama nito ang mga matataas na kinatawan ng pribado at pampublikong sektor ng bansa upang mabuo ang 2016 executive committee. Sinimulan ng board ang termino nito sa pamamagitan ng isang launch na ipinakilala ang exciting line-up ng mga activities at bagong selection criteria para sa mga submitting filmmakers. Ang mga kundisyon para sa choice of finalists ay binuo base sa istorya, audience appeal, overall impact (40%), cinematic attributes at technical excellence (40%), global appeal (10%), at Filipino sensibility (10%).

Sinimulan ng bagong MMFF ang opisyal na launch na ito sa pag-imbita sa lahat ng mga Filipino artists na makilahok sa logo design at theme song contest na siyang magse-set ng mood para sa buong MMFF. Ang magwawagi sa logo competition ay pipiliin ng bagong executive committee; ‘di lamang ididisenyo ng artist ang bagong emblem ng festival ngunit lilikhain din niya ang mga key art para sa buong 6-month campaign. Ang theme song naman ang magiging signal banner para sa festival; ang mga seasoned composers na sina Jimmy Bondoc, Jerrold Tarog, at Robert Rivera ang pipili ng winning piece. Ang mga entry para sa logo at theme song submission ay bukas mula Hulyo 15 hanggang Agosto 15. Iaanunsyo ang mga nagwagi sa kumpetisyon sa ika-15 ng Setyembre.

Ni-redesign din ng 2016 MMFF ang kasalukuyang season nito upang parangalan ang magandang trabaho ng Philippine film industry, habang gumagawa ito ng mas malaki at sustained experience para sa pinakahihintay na family affair ngayong Disyembre. Upang makalikha ng bagong mga manonood at upang hikayatin ang produksyon ng mga dekalidad na pelikulang Pilipino, itataas ng 2016 MMFF ang taunang mga activities ng festival. Gagawa ito ng mas experiential difference na tiyak na kagigiliwan ng mga tagahangga. Magsisimula ito sa isang travelling installation, kung saan ilulunsad ng MMFF ang isang MMFF corner na magbibigay ng oportunidad sa mga bago at lumang mga tagahanga na gunitain ang pinakamagagandang pelikula ng bansa sa pamamagitan ng interactive galleries. Kasabay nito, ipalalabas din ng MMFF ang “Best of the Best” fest sa mga piling sinehan, na siyang magbibigay ng pagkakataon sa mga tagahanga na muling mapanood ang mga pelikulang nagbigay-kulay sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ang FanCon naman ay siyang magbibigay ng oportunidad sa mga manonood ng pagkakataon na makasalamuha ang mga direktor, prodyuser, at mga artista habang ini-explore nila ang mga upcoming movie exhibits at iba pang mga aktibidad. Mas malaki at mas interactive fan fair ang taunang parada ng mga artista. Ang respetadong awards night naman ay magiging isang pormal na gala. ‘Di tulad sa mga nakaraang taon, iaanunsyo ng MMFF ang mga nagwagi pagkatapos ng festival. Mangyayari sa Enero 8, 2017, nagdagdag ang mga hurado ng mas maraming mga parangal sa culminating event, gaya ng People’s Choice Award.

Dadaan sa isang #reelvolution ang 2016 Metro Manila Film Festival, at bahagi ang lahat nito. Para sa karagdagang impormasyon sa MMFF, bisitahin ang www.mmff.com.ph at sundan ang @mmffofficial sa Twitter, Instagram, at Facebook.

Previous articleMga Litrato Ni Liza Soberano, Patok Sa Mga Fans
Next articleMTRCB Chairman Toto Villareal, nararapat na manatili sa puwesto

No posts to display