Casting coup na maituturing ang pelikulang Ang Panday ni Coco Martin dahil sa dami ng artistang lalabas at mapapanood sa pelikula.
As of this writing, 80 stars na ang kasama sa Ang Panday na pinagbibidahan, idinidirek at prinodyus ni Coco para sa kanyang CCM Productions. Ngayon lang yata magkakaroon sa history ng ng Metro Manila Film Festival na ganito karami ang artistang magsasama-sama sa isang pelikula, huh.
Ang nakakaloka pa, posible pa raw na madagdagan ito dahil may mga kinakausap pa si Coco including a beauty queen na gusto rin niyang isama sa pelikula bukod kay Mariel de Leon na leading lady niya.
Hindi tuloy namin ma-imagine kung ano ang magiging itsura ng festival float ng Ang Panday kung ang main cast at ang ibang supporting cast ay sa-sakay sa karosa. Tiyak na magiging crowded ito, huh! Makatakbo pa kaya ang float?
Anyway, ayon naman sa kuwento ni Coco, almost 50 percent na ng Ang Panday ang natatapos. Pero siyempre, may mga special effects pang kailangang ilagay sa ilang mga eksena sa pelikula and it will take weeks pa rin bago matapos.
“Excited ako sa magi-ging reaksyon ng mga tao kapag natapos na ang pelikula. Sana ay magustuhan nila ang pinaghihirapan namin. Para rin naman ito sa kanila,” sey pa ng binata.
Sabi pa ni Coco, everytime na nakikita niyang rumorolyo ang kamera, ay nawawala ang kanyang pagod.
Samantala, hindi rin itinanggi ng actor at newbie director na kinakausap niya ang mga kaibigang direktor para humingi ng tulong particular na si Direk Brillante Mendoza na isa sa naging mentor niya noon sa indie films.
“Nagtatawagan kami. Humihingi ako ng advice sa kanya kung paano pa mas mapapaganda ang pelikula namin,” sey pa niya.
Ilan sa mga artistang kasama sa Ang Panday ay sina Jake Cuenca, Eddie Garcia, Albert Martinez, Gloria Romero, John Prats, Awra, McCoy de Leon, Ellise Joson, Ronwaldo Martin at maraming-marami pang iba.
Official entry ang pelikula sa 2017 MMFF na magsisimula sa Pasko, Dec. 25.
La Boka
by Leo Bukas