BONGGA ang vacay ng showbiz celebrities natin na ganap nila last Holy Week.
Ang magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, sa Seoul, South Korea naglabing-labing kasama ang anak ni Jen.
Sa pagkakaalam ko, naroon ang aktres para sunduin ang ama nitong si Noli Pineda na sa personal niyang ganap ay sinamahan at sinuportahan siya ni Dennis.
https://www.instagram.com/p/BS28117AgpI/?taken-by=mercadojenny&hl=en
Si Maine Mendoza na mayroong show sa US kasama ang ka-loveteam na si Alden Richards, at sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo at Wally Bayola, nag-sightseeing sa New York prior to their show sa Big Apple.
Sa Japan, kasama ni Matteo Guidicelli ang kanyang pamilya na naglakwatsa. Same sa mag-partner na nagmamahalan na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na nag-enjoy sa malamig na klima ng Land of the Rising Sun.
Doon din sa Japan nagbakasyon sina Zsa Zsa Padilla, Carla Abellana, at Solenn Heussaff at ang mister na si Nico Bolzico. Si Glaiza de Castro ay nag-enjoy sa Tokyo Disney Sea.
Sina Maja Salvador at Andrea Torres, du’n din sa Japan nag-vacay na nagsimula noong Sabado de Gloria.
https://www.instagram.com/p/BS7mEzTln0A/?taken-by=iammajasalvador&hl=en
Sina Gerald Anderson at Bea Alonzo sa Pearl Farm sa Davao naglakwatsa.
Nag-spend ng Holy Week sa Bali, Indonesia si Derick Monasterio with his mom Tina; Ruffa Gutierrez with her daughters and boyfriend Jourdan Mouyal.
Pero bongga ang komedyanteng si Eugene Domingo kasama ang love niyang si Danilo Bottoni na isang Italian. Super like ang kanilang picture-taking sa Shinjuku Gyoe National Garden, kung saan matatagpuan ang mahigit na 1,500 cherry tress na dahilan kung bakit dinarayo ng mga turista.
Sa Korea rin nag-vacay sina James Reid at Nadine Lustre kasama sina Kiana Valenciano with boyfie Sam Concepcion.
https://www.instagram.com/p/BS6NQokFMpQ/?taken-by=kianavee
Sa Boracay, abs kung abs ang pagpu-flaunt ng hunk na si Jak Roberto.
Sina Mikael Daez at Megan Young, sa Maldives (located sa gitna ng Indian Ocean) naman nagpakasarap. Same destination sila ng destination ni Kris Aquino kasama ang anak na si Bimby, habang si Kuya Josh ay sumama sa kanyang trusted yaya sa bayan nito sa lalawigan ng Negros Occidental.