BAHAG ANG BUNTOT ni Pasay City Mayor Antonio Calixto! Ganyan, parekoy, ang pagsasalarawan ng ilang pulis sa lungsod na ito kaugnay sa ginawang direktiba ng kanilang alkalde kaugnay sa mga iligal na pasugalan na naglipana sa kanilang “erya op respansibiliti”.
Noong una kasi ay lakas-loob na nagpadala ng kautusan si Mayor Calixto kay Pasay City Chief of Police S/Supt. Nap Cuaton na linisin daw ang mga pasugalan sa kanilang lugar. Kaso mo eh, bluff lang naman pala ito ni mayor, para palabasin na wala siyang kinalalaman sa naglipanang sugalan sa Pasay.
Ang siste, parekoy, sinakmal naman agad ni Col. Cuaton ang nasabing kautusan, kaya agad nitong ipinaratsada ang mga nasabing pasugalan! Ayon sa ating tawiwit, biglang umusok ang telepono ni yorme sa kaliwa’t kanang tawag at text mula sa pinaghuhuling gambling lord! Nagsusumbong… nagpapalahaw… at nagpapakampi!
Hak, hak, hak… kawawang mga lord, walang kaalam-alam na mismong ang kagaguhan ni yorme ang nagpahamak sa kanila. Ang masakit, parekoy, hindi na nila maipangako na makapag-iipon pa sila ng malaking halaga para sa kandidatura ni yorme sa darating na halalan. Dahil nga niraratsada ni Col. Cuaton ang kanilang operasyon.
Tsk, tsk, tsk… mahalaga pa naman ang kanilang contribution dahil ang businessman na si Del Rosario na balitang gumastos noong 2010 ng halos 100 milyong piso ay kumabilang-bakod na!
Kaya naman, malamang na timbuwang ang bulsa ni Mayor Calixto sa darating na halalan.
At ‘yun, parekoy, ang hindi niya papayagang mangyari! Lalo na at umaaligid na naman ang mga tao ni Col. Cuaton para bulabugin ang operation ng isang pinakasikat na gambling lord sa Pasay na si Aging Lisan! Aba naman, hindi na yata kayang palagpasin ni yorme ang bagay na ito. Kaya ngayon pa lang ay nagkukumahog na ito na mapalitan agad si Col. Cuaton bilang COP ng Pasay.
Pero kung tutuusin, si mayor din ang nagpasimula ng lahat. Na para palitawing wala siyang konek sa mga lord na ito kaya ipinalabas niya ang nasabing direktiba laban sa iligal na sugal. Na nag-boome-rang naman sa kanya ngayon!
Tsk, tsk, tsk… wawa naman si yorme!!!
PATULOY ANG PAMAMAYAGPAG ng mga iligal na sugal ni Dacne sa Quezon City. Si Dacne, parekoy, na kilala rin bilang Danny Santos ay siya ngayong humahawak ng payong o umbrella operation nina Art Riviera at Major Dela Fuente!
Ang dalawang nabanggit na naka-payong kay Dacne ay nagpakalat sa Kyusi kamakailan lang ng 500 video karera machines. At dahil nga naka-umbrella ang mga ito kay Dacne, kaya walang katinag-tinag. Kung saan takot itong ipahuli maging ni QCPD Director C/Supt. George Regis. Ang dahilan? Hindi lamang ang pagbibigay ni Dacne ng lingguhang intelihensiya kay Papa Mayor…
Super-lakas din ito sa tanggapan ni NCRPO Chief, Alan La Madrid Purisima. Hesus, Maria Purisima y Hosep!
Walang magawa si Bistek! Hak, hak, hak!!!
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303