BORN COMEDIAN BOB JBEILI: “Gusto kong ma-explore ang kabuuan ng comedy world”

PITONG taon pa lang sa industriya ang young comedian na si Bob Jbeili, na nasa kuwadra ng Viva Artists Agency.

Since 2014, ang limang full length films niyang nilabasan ay “The Write Moment,” “Ang Pambansang Third Wheel,” “Para Sa Broken Hearted,” “’Tol,”  at “Lucid,” plus short films and TV guestings.
BOB JBEILI

Recently, sa pakikipag-chikahan namin kay Bob, inamin nitong wala siyang ibang sideline business, maliban sa pagiging artista, sa loob ng seven years.

“Wala po akong day job. I’m taking risks as a full-time actor since day one!” banggit ni Bob na Lebanese ang yumaong ama (noong 2012) at Pinay naman ang kanyang mother dear.

So far, ano’ng mga na-realize niya mula nu’ng pumasok siya showbiz noong 2014 – minus ang pagsali niya sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga noong 2012?

“Nung na-experience kong mag-perform in front of people during Mr. Pogi days, that’s when it hit me, and realized na I love entertaining people and making them laugh.

“Sobrang fulfilling siya for me and nakakataba ng puso at the same time. Du’n nag-set ablaze ‘yung passion ko na, ‘Ah, ito talaga ang gusto kong gawin hanggang sa pagtanda ko.’”

BOB JBEILI

Satisfied ba siya sa image or “packaging” sa kanya ng Viva bilang isang comedy actor ng generation ngayon?

“So far, I am very thankful with what I’m currently doing and what I have.  But we always want to strive for making ourselves better and open to new knowledge and learning.

“Kasi naniniwala ako, na as we traverse, we always learn as we venture sa path na tinatahak natin.  Gusto ko pa rin ma-explore ang kabuuan ng comedy world — ang iba’t ibang anggulo, style and delivery nito.

“Though, open ako mag-try ng ibang roles na ibabato sa ‘kin.  Again, lahat kasi ng ‘yan, may matututunan tayo one way or another.”

Nasa cast si Bob ng family comedy series and “rantserye” na “Kung Pwede Lang”, written and directed by Darryl Yap, now being streamed on Vivamax.

Ang KPL ay unang itong pumatok sa social media dahil sadyang “nakakabaliw” ang mga episodes ni Direk Darryl.  Ilan sa mga napanood naming humagalpak kami ng tawa ay ang episodes ng isang empleyado (Kim Molina), isang pasahero ng jeep, at isang teacher.

Sa Vivamax version ng “Kung Puwede Lang”, papel na isang batugang panganay ang ginagampanan ni Bob, with Dennis Padilla and Rosanna Roces as his wacky parents.   Nasa cast rin ng KPL sina Dexter Doria, Loren Mariñas, at Carlyn Ocampo.

Personally, ano’ng isang bagay ang magiging dahilan ng pag-RANT niya sa social media?

Sagot ni Bob:   “Honestly, parang hindi ko maisip o makita ang sarili ko na mag-rant on social media, kasi I would be considering it part as of my private life eh.

“Pero ang usual rants ko lang naman internally or sa friends ay dahil sa pag-ibig mainly, and about sa pagiging hopeless romantic ko at pagiging marupok ko. Hahaha!”

Kung mabibigyan siya ng Viva ng big break para magbida sa pelikula, ano’ng dream role niya?

“Hopeless romantic comedy role, na lahat ng emosyon, nandoon!  ‘Yung nakakatawa na reyalidad na may kalungkutan, galit, character development at iba’t ibang emosyon.

“’Yun ang dream role ko.  Mataas na pangarap man, pero, sana, roles na ala-Adam Sandler.”

Para sa kanya, gaano kahalaga ang isang family comedy series tulad ng KPL sa Pinoy audience?

Cast members of KPL or Kung Pwede Lang

“Para sa akin, mahalaga siya kasi dito makikita ng audience kung gaano sila kasuwerte sa pamilya at buhay nila kahit na ano at saan pa sila galling.

“Dahil as a viewer, pwede nilang makita ang buhay nila sa ganitong klaseng pelikula dahil it’s the third person’s perspective.

“Minsan kasi, yung first person’s perspective sa reyalidad, minsan, ‘di natin nakikita unless makita natin sa iba na, ‘Ah, ganito pala rin kami.’

“And at the same time, they can see the light in it na kahit minsan magulo sa bahay, nagmamahalan pa rin at nandiyan palagi sila sa isa’t isa dahil pamilya,” seryosong sagot niya.

Sino’ng ina-idolize niyang comedy actor, local or foreign and why?

“Sa Philippines po, sina Kuya Janno Gibbs especially nung ‘Pedro Penduko’ days niya. kasi sobrang facial ng comedy niya.  Si Sir Dolphy po, sina Kuya Vhong Navarro, Kuya Herbert Bautista.

“Natutuwa ako sa kanila kasi laging perfect timing nila sa comedy roles nila and sobrang nakakatawa lagi.  Comedy siya na may puso, na may feelings, kalungkutan.  All around reality comedy.

“Sa foreign naman po, sina Adam Sandler, Jim Carrey. Galing din nila mag-initiate ng comedic timing sa mga movies nila. Comedy with a heart din sila.”

Lastly, ano ba ang current status ng kanyang lovelife – single, committed, dating?

“Single!” say niya.  “Open ako sa dating, or kung anuman ang dumating at ibigay ng tadhana.”

Bob is currently taping a new TV series, na bawal pang banggitin ang mga detalye.

Let’s give it up for Bob Jbeili, a comedian on the rise!

Previous articleThe Weekend at BTS, top winners sa 2021 Billboard Music Awards
Next articleKPOP Album Review: Border: Carnival by ENHYPEN

No posts to display