Boy Abunda, apaw ang paghanga kay Mike Defensor!

ISANG SPEECH OF “superlatives” ang binitiwan ni Boy Abunda before a motley group of barangay officials at a dinner hosted by QC mayor wannabe Mike Defensor at the Celebrity Sports Plaza last Wednesday.

For starters, Kuya Boy and Mike go a long way, kaya ganu’n na lang ang suporta ng TV host sa pambatong alkalde ng lungsod. Aminadong hindi napaghandaan ni Kuya Boy ang kanyang talumpati, na mas “ikinakaba” ko knowing that his unpreparedness actually means he has a lot to say. And he had.

Tatlong puntos sa pagkatao ni Mike ang ipinagdiinan ni Kuya Boy with an “umbrella adjective” being excellent: as a leader, as a family man and as a friend. Having known Mike for the longest time, Kuya Boy is not about to stake his revered name kung hindi siya naniniwala sa kakayahan ng kaibigan.

Of all the insightful stories na ibinahagi ni Kuya Boy, there was one that caught my fancy. “Alam n’yo ho, si Mike ang tipo ng kaibigan na ‘pag type namin ang isang lalaki halimbawa sa kalye, siya ang lalapit at makikipagkilala para sa amin.”

Of course, it was a joke. Pero hindi biro ang maka-kalyeng karisma ni Mike who, let’s face it, is already pre-sold with his dashing looks. Ramdam niya ang pulso ng mga ordinaryong mamamayan who deserves no-nonsense public service.

Too personal as it got ang isa pang kuwento ng serbisyo-publiko na narinig ng lahat mula kay Kuya Boy. Sa mga hindi nakaaalam, katulad din ng nasirang ama ng TV host na si Ginoong Eugenio Sr. ang mga nagsidalo sa pagtitipong ‘yon: Kuya Boy’s father served as a barangay chairman in their native Borongan, Eastern Samar.

Years later, ang ina naman niyang si Nanay Lising, now a public school teacher, was elected vice mayor of the town. “Nu’ng vice mayor ang aking ina, tinawagan ko si Mike. Sabi ko, ‘Mike, tulungan mo naman ang nanay ko na ipaayos ang kalye namin sa Borongan.” Hindi po ako nagdalawang-salita kay Mike, tinulungan niya po ang nanay ko,” lahad ni Kuya Boy.

It’s a known fact na isang respetadong TV host si Kuya Boy whose name is synonymous with authority and credibility. Sa kanyang pag-e-endorse sa kandidatura ni Mike, this most loved guy in showbiz certainly knows what and who he’s talking about.

MAAARING NAKAKAPANIBAGO PANG tawaging Kapatid Network ang TV5 now that it has gone full blast. In a TV landscape dominated by ABS-CBN and GMA, it’s a matter of time bago sumipa nang bonggang-bongga ang TV5, but it’s being strongly felt, slowly though.

Bagong-bihis ang naturang istasyion with it’s new slogan Para Sa’Yo, Kapatid kasabay ang paglo-launch ng bagong station ID featuring its biggest talents Paolo Bediones, Ryan Agoncillo, Lucy-Torres Gomez, Ruffa Gutierrez, JC De Vera, Maricel Soriano, Vic Sotto, Joey de Leon and Dolphy.

Kapansin-pansin din ang bago nitong logo that resembles a shiny cue ball bilang hudyat ng bonggang-bonggang pakikipagsabayan na nito sa kumpetisyon. Kayo, alin ang pinakagusto ninyong itawag sa inyo: Kapuso, Kapamilya o Kapatid?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleGuesswhodoes: Antonio Aquitania and Wendell Ramos does the ‘Bromance’
Next articleVictor Basa, malinaw ang direksiyong tinatahak bilang aktor!

No posts to display