ALL-OUT SUPPORT ANG ibinibigay ni Boy Abunda para sa Ladlad, ang political party ng mga lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT). Tumatayong political adviser at spokesperson ng organization ang nasabing TV host/manager. Sa pagiging active niya sa grupo, binigyang-kulay ang pagtulong sa karapatan ng mga ito. Tuloy, iniintriga si Kuya Boy na ginagamit lang daw niya ang LGBT para sa kanyang political ambition sa 2013.
“Kapag sinasabi nila na ginagamit ko ang Ladlad sa pagpasok ko sa pulitika, hindi totoo ‘yan,” say ng batikang TV host. “Para sa akin, ang gender equality is not a national struggle, but it is a universal struggle,” dugtong pa niya. Nilinaw ng TV host na marami ang nag-aakala na uupo siya sa Kongreso bilang representative ng Ladlad. Kung saka-ling papasukin niya ang pulitika, gusto niyang maging gobernador sa kanyang lalawigan. “I’d rather go to the pro-vince. Sa pamil-ya namin ako lang ang hindi pumasok sa pulitika. My sister is the mayor of the city. My mother went to politics also. My father was in politics so, ako lang. I wouldn’t be surprised kaya I want to try. Sa ngayon, wala akong plano. I will not run in 2016. I will be a part of the campaign strategy of Ladlad. I will make Ladlad party-list win. I think I will be more effective there,” depensang sabi ng TV host.
Marami ang nagsa-sabing maging ang simbahan ay hindi tanggap ang LGBT na nakikipag-sex. “I’d like to quote this from Archbishop Cruz. Ang mga bakla naman at tomboy ay mga anak ng Diyos. Pero nagkakasala lamang sila when they engage themselves in sexual act. I would like to assume that Archbishop Cruz is one of the most learned scholars of the Catholic hierarchy of the country. ‘Yung kanyang partner na si Pedro Quisorio ay kababata ko. We spent three or four years in the same house and Pedro is a very good friend of mine. We came from the same place. He is from Eastern Samar and we are very good friends, we grew up toge-ther,” kuwento pa ni Kuya Boy.
Hindi lang pala para sa mga bakla, tomboy at transgender ang Ladlad. Maging tunay na lalaki ay puwede ring mag-join sa grupo. Walong taon na pala silang nakikipaglaban sa kani-lang karapatan pantao. Kapag natalo pa sila sa halalan sa 2013, malamang na matanggal sila sa partido. Ayon kay Kuya Boy, 2003 ay may straight members na rin ang Ladlad. Sa ngayon, 50,000 strong members na ina-assist, kasama na ang straight supporters. “Kasama ako sa campaign ng Pangulong Aquino at ito ay pabiro at casually na napag-usapan. Sabi nila, 10 percent of the population are LGBT people so, ‘yun ‘yung numbers na aming iniikutan. The word Ladlad is inclusive as a party. Bata ‘yung partido. Vulne-rable ang partido kaya ‘pag pinag-uusapan ‘yung attitude towards that party at pinag-uusapan ‘yung growth ng partido, we cannot discriminate because we are fighting against discrimination,” paliwanag ni Kuya Boy Abunda.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield