BAGAMA’T HINDI NAKAPAGMARTSA sa kanilang graduation rites last April 2, natapos na ni Tito Boy Abunda ang kanyang Masteral Degree on Communication Arts sa Philippine Women’s University (PWU), kung saan din s’ya nagturo ng isang subject on Radio and Television nitong nakaraang school year. “Tuwang-tuwa ako, kasi nagbunga lahat ng sakripisyo ko sa pag-aaral. Hirap na hirap ako,” masayang bungad n’ya sa amin.
Naikuwento sa amin ni Tito Boy ang mga hirap ng
pinagdaanan n’ya sa pag-aaral ng kanyang thesis. “I was doing Bottomline in Cebu, during breaks, before and after ako sumakay ng eroplano, papunta sa palengke, etc., dala ko ang thesis ko. Nagsimba kami sa Sto. Niño Church. Inalay ang aking thesis kay Niño. Sabi ko, Niño, inaalay ko po ‘tong thesis ko sa n’yo. I surrender my thesis to you. Kasi when you defend your thesis, na-realize ko ito… Ikaw ang gumawa mula page one to the last page. Ang hirap aralin ng sarili mong isinulat. Ako I have a very retentive memories in terms of books written by other people. I can quote Clinton easily, Woodward easily, Mandela easily, pero ‘pag ikaw pala ang sumulat, iba,” pagtatapat ng TV host.
Gaya ng mga ordinaryong estudyante na dumadaan sa kanilang thesis defense, pinatunayan ni Tito Boy na tila nagsunog s’ya ng kilay, hindi lang para makapasa, kung hindi, para makakuha ng mataas na grado mula sa kanyang mga bigating panel. “It was extremely tough defense. Ipinakita ko sa aking panel na ako ay nag-aral nang mabuti. The night before my defense which was after my SNN taping, inabot kami ng aking adviser sa isang sing-along ng alas kuwatro ng madaling-araw sa Fairview, dahil wala nang lugar na bukas. Inisa-isa namin bawat page. Ni-review namin for my 1 o’clock defense. I didn’t get a 1, but I got 1.1! Proud ako, dahil pinaghirapan ko s’ya. At ngayon, masasabi ko sa ‘king ina, kay Nanay, teacher ‘yon, eh. Tuwang-tuwa ako na nagawa ko ito even at this point in my life when a lot of people, not that I care, expect that I won’t be back to school. Iba ang fulfillment. You can’t quantify the happiness you derived from academic achievement,” pagmamalaki ng mabait at magaling na talent manager.
Malaking tulong din ang pagiging TV personality ni Tito Boy, kaya wala s’yang kabang naramdaman during the defense proper. “Hindi ako kinabahan. Sa araw-araw ba naman na nakaharap ako sa camera at sa pinagdaanan ko sa buhay. I was pressured, hindi ng panel, but by my own expectation. Takot na takot akong mabigyan ng 2. Parang ang feeling ko, Lord, ‘pag nabigyan ako ng 2 o 2.5, uulitin ko. May lebel ka ng expectations. Nahirapan ako, hindi kinabahan, dahil I had four deans in the panel,” dagdag n’ya.
Pero hindi pa rito nagtatapos ang pag-aaral ng King of Talk. “I’m pursuing my Doctoral Degree in Social Development in PWU-JASMS. I’m going to teach (again) ngayong darating na sem sa June. Tumutuloy kasi ako sa klase ko after magturo,” pagtatapos ni Tito Boy.
HINDI NA NGA lihim sa loob at labas ng showbiz ang pormal na paglipat mula ABS-CBN sa TV5 ng premyadong aktor na si Aga Muhlach. Matagal na rin kasing naging usap-usapan ito sa mga umpukan sa showbiz at naging laman ng mga blind item.
Pero two Wednesdays ago nga ay naganap na ang formal contract signing ng alaga ng Dean of Entertainment Journalism na si Tita Ethel Ramos sa opisina mismo ng TV5 sa Novaliches, Quezon City kung saan present ang big bosses nito.
Although napanood na ang interview ni Aga with Ruffa on Paparazzi last Sunday, balita namin, ang magi-ging unang live TV appearance n’ya sa TV5 one of these days ay sa controversial show na Willing Willie ng kanyang matagal nang kaibigang si Willie.
Marahil nahiya si Aga sa asawa n’yang si Charlene Gonzalez na isa sa mga host ng The Buzz, kaya taped interview lamang ni Ruffa sa kanya ang ipinalabas sa Paparazzi. Kung hindi kasi kami nagkakamali, hindi pa nag-guest ng live ang aktor sa The Buzz simula nang maging host ang kanyang asawa.
Franz 2 U
by Francis Simeon