MAHIHIYA ANG MGA artista nating lalaki sa mga machong gay na kalahok sa Mr. Gay World-Philippines Pageant hosted by the top TV host and gay icon in the country, Mr. Boy Abunda. In celebrating its third year in the Philippines, kakaibang concept ng gay pageant ang inyong masasaksihan sa gabi ng parangal na ididirek ng kaibigan nating si Ronald Carballo.
Nang i-offer ni Direk Ronald kay Kuya Boy na mag-host sa nasabing prestigious pageant ay agad niya itong tinanggap. Knowing Kuya Boy, palagi itong naka-support lalo na sa mga gay. Palibhasa hindi lang matalik na magkaibigan ang dalawa, maganda ang team-up nila at pareho pa silang relaxed katrabaho ang isa’t isa.
Excited na nga si Ronald na maidirek ang pamosong TV host/manager. Bukod sa pagiging script writer/columnist, nakapag-direk na rin siya sa pelikulang Maiinit Na Tubig starring Phillip Salvador. Hindi na rin mabilang ang mga corporate shows, concerts na dinirek niya.
Ayon sa producers ng Winstruck Productions, headed by Ms. Noemi Alberto, Dennis Sebastian and Mac Bordallo, much bigger budgeted production ang inihanda nila sa ikasisiya ng manonood. Grabe ang paghahanda ginagawa ni Direk Ronald. Mula sa extensive screening ng candidates from thousands reduced to top 20 decent, good looking and intelligent macho gays from different parts of the country. Sa naiibang nilang production number na inyong masasaksihan sa araw mismo ng pageant. At sa talent portion (Q & A) ng mga ito, ikakaloka ninyo. I’m sure mahihigitan pa nila ang world class standard.
Ngayon ay patuloy na tini-train ang mga candidates bilang paghahanda sa pabulosong pageant, habang ini-expose sila sa iba’t ibang outreach programs and activities like visiting the Golden Gays Home in Pasay City founded by Councilor Justo C. Justo, Women’s Correctional and other institutions.
Super hectic ang magiging schedule ng mga candidates before the pageant. They will also undergo an overnight team building in one of the finest hotel resorts in the country today, Hardin ng Postema, in Tanza, Cavite, wherein they will launch also tree planting movement and pose for a sexy pictorial by the pool at the sametime. Bibisitahin din nila ang iba’t ibang catholic churches and museums; bar tours; attend different social gathering as Ambassadors of Goodwill, including the premiere night of the very much talked about film of the year, Star Cinema’s In My Life with John Lloyd Cruz, Luis Manzano and Ms. Vilma Santos, directed by Olivia Lamasan. They are so excited to show their support to the film as representatives of the gay community.
The Mr. Gay Philippines candidates will also grace the launching of the much-awaited socially relevant Doon Po Sa Amin Magazine in Club Pilipino.
The fabulous and prestigious Mr. Gay World Philippines pageant is on October 25, 2009, Sunday, 9 P.M. at The Metro Bar in West Avenue, Quezon City. With over-all choreography by Rodgil Flores and Archie Zobel.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield