BUZZ NG Bayan ang bagong TV show ni Boy Abunda sa Kapamilya Network every Sunday. Personal namin siyang pinasyalan sa kanyang dressing room to greet him happy birthday. Naikuwento niyang sobra pala ang paggalang niya sa gay lovers na gustong magpakasal. He will fight for the right of people to get married. Sinusuportahan niya ang same sex marriage movement.
Say niya, “Hanggang dulo, I will advocate that para sa LGBT community that deserve the same right with anybody else in this world. Babae, lalaki, kung gusto ng isang taong magpakasal, dapat bigyan siya ng karapatang magpakasal.”
Pero sa kaso nina Kuya Boy at live-in partner niyang si Bong Quintana, maligaya silang nagsasama kahit hindi kasal. “Personally ako, hindi ako magpapakasal kay Bong. At ang pananaw ni Bong, hindi rin siya magpapakasal, bakit ? We are in a very special situation. Una, napaghandaan na namin ito. Napag-usapan namin ni Bong kung papaano namin mapaghahandaan ang eventuality. Halimbawa, isa sa amin ay mawala rito sa mundo. So, we consult it with financial advicer. ‘Yung mga properties namin nakaayos lahat ‘yun. Pangalawa, we’ve been together for thirty years. Hindi namin kailangan ang papel, ito’y opinion lang namin. Hindi namin sinasabi ito na it will work for others,” say niya.
“Kaya nga, kung ako ang tatanungin, what is more achievable in the Philippines? Kaya ako bago ‘yung same sex marriage, matagal na away pa’ yan. Napaka-Katoliko nating bansa. I go for civil union. I’ll go for domestic partnership. Kung saan binibigyan ng legal na karapatan ang mga LGBT relationship. Kung hindi pa puwedeng ikasal, then, hindi naman ipagpipilitan.
“Dito sa Pilipinas, kung mabibigyan, sino ang papayag? Para ‘yan sa ating mga magulang, may babae at lalaki naniniwala sa kasal, mayroong hindi. Kasi kami, thirty years na kami, it’s not something we talk about. Napag-usapan namin isang beses pero it’s not something na kailangan nating magpakasal para we have security in our relationship. Hindi ko rin sinasabi na napaka-secure namin ni Bong. You know, thirty years is not guarantee for another year. Relationship is a dicision that you make in your life. What’s gonna happen next ? You don’t know. So, ayaw ko ring mag-ilusyon,” pahayag ng Asia King of Talk.
Sumagi rin sa isipan nina Kuya Boy at Bong na mag-ampon tulad ng karamihang gay lovers. “Ang pag-ampon ay pinag-usapan namin nang maraming taon. Ako nu’ng una, gusto ko. Pero ngayon, parang nawala na ‘yan, binaling na lang namin ang aming atensiyon sa aming mga pamangkin. Pero there was a time, I am badly wanted to adopt. Pero ngayon, naiintindihan ko na si Bong. Tayo nga, walang time sa isa’t isa. Baka hindi tayo maging mabuting mga magulang. Bakit pa tayo mandadamay? Ang sinasabi ko lamang, ayaw kong maging stereotype, ayaw kong mag-formula. What’s work for me, may not work for the others. Ito’y kuwento ko lamang, ang iba, sobra silang saya mayroon silang adopted children. Sa amin ngayon, aalis kami ni Bong (U.S. trip) fifteen days in thirty years,” paliwanag ng batikang TV host.
Kahit thirty years nang nagsasama sina Kuya Boy at Bong, anything is possible na ma-fall in love siya sa isang younger guy. Paliwanag niya, “Halimbawa, ma-in love ako sa isang bagets at totoong sobrang in love. Ang hirap nu’n pero titimbangin mo ‘yung pagmamahal mo sa bagets at ‘yung thirty years mo kung mahal mo pa si Bong? ‘Yung pagmamahal, you have to be very conscious. Pangangailangan ba ito ng katawan o pangangailangan ba ito ng ego mo? Pero mahihirapan akong itapon sa binatana ang tatlumpung taon.
“Pero kung halimbawa, wala na akong pagmamahal, hindi rin ako magpapakaplastik dahil that’s not fair to me and that’s not fair to Bong. Kahit sabihin mo pang fifty years, I will go for love. Pero napakasuwerte ko naman na hanggang ngayon mahal na mahal ko si Bong at mahal na mahal ako ni Bong. Pero I will not get into relationship and I will not fail in a relationship because it’s thirty years, hindi. Hindi ako magpapakaplastik, I will stay my relationship with Bong because I love him.
“May dumating, sobra kong mahal, hindi ako maglilinis-linisan, ayaw ko. Halimbawa may bagets,sobra kong mahal, pinag-aralan ko at buhay ko. Talagang wala na akong pagmamahal kay Bong, kahit may thirty years, aalisan ko si Bong. Ipaliliwanag ko ‘yun, if does happen to Bong, I will understand. Wala ka nang pagmamahal sa akin, pakikisamahan mo ako, huwag na. Igalang mo ako, kausapin mo ako. Sabihin mo, Baby, nakakita na ako ng ibang mahal. Of course, magwawala ako. Of course, iiyak ako. At the end of the day, lilingunin ko ‘yan, sasabihin ko, ginalang ako ni Bong, ‘di ba? Kaysa, you stay with the relationship na there is no love,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield