Boy Abunda is sure to enter local politics

PARDON THE PUN, but the King of Daldal (vernacular  term for talk), a showbiz royalty attributed solely to Boy Abunda is now—by slight “palindrome-ism”—is now the King of Ladlad.

Opisyal na tagapagsalita ng alyansang Ladlad ang mahusay at respetadong TV host, na sumasaboses sa mga karapatan ng tinatawag na LGBT o Lesbian Gay Bisexual Transgender, a recognized international community. Wala itong iniwan sa iba’t ibang sektor ng lipunan na nais mabigyan ng rekognisyon o pagkilala sa kanilang kasarinlan bilang mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

Pangunahin ang pakikiisa ni Kuya Boy sa pagkundena sa karahasang sinapit ng actor-director na si Ricky Rivero, but his message goes far beyond addressing the latter’s case on the issue of violence or violation of anyone’s rights.

Without an iota of doubt, walang ibang mas epektibo at mas iginagalang na tagapagsulong ng mga karapatang ito kaysa kay Kuya Boy. His body of work would speak for itself: a credible TV host, a reputable artist manager, a reliable consultant, an effective strategist, a widely read columnist, a trusted product endorser… teka, may na-miss out pa ba ako?

Not for now, dahil…

Maugong kasi ang balitang—finally and this time for real—papalaot na rin si “Ama” sa dagat ng pulitika. But make it local politics, hindi sa pagtakbo bilang Kongresista ng kanyang home province na Samar kundi bilang Gobernador. Ate Vi-inspired ba ito kahit isang certified Noranian si Kuya Boy?

If I am slightly privy to his political plunge, noon pa naman nasa agenda ni Kuya Boy ang maging public servant: after all, his late father Eugenio Sr. was a barangay chairman, his mother Nanay Lising was Vice-Mayor of Borongan, so who else would inherit their political genes?

Hay, naku, kung hindi nga lang kami makakasuhan ng Comelec (kaso it would mean Kuya Boy’s disqualification), magpa-flying voter kami sa Samar, ‘no! Go, go, go, “Ama,” alam mo na…!

SIYA NA ANG nakasagasa, siya pa rin ang nagpasasa. Don’t mistake this for yet another episode title of Amy Perez’s Face To Face.

Totoong kuwento ito ng isa sa mga sinibak na dancer sa Wil Time Big Time, na dahil sa kalasingan ay aksidenteng nakasagasa ng isang scavenger on her way home. Kumplikado ang sitwasyon dahil unang-una na nga’y hindi naman pag-aari ng dancer ang sasakyang minamaneho niya nang maganap ang insidente, kundi property ng Will Productions.

Natural, who did you expect shouldered the damages, lalung-lalo na ang pagpapagamot sa pobreng biktima kundi ang TV host na si Willie Revillame? Ang punto ni Willie, alam naman daw ng dancer na may trabaho pa kinabukasan, kaya bakit nakuha nitong magpakalango… at nakadisgrasya pa?

Hayun tuloy ang pasaway na dancer, nawala ang amats nang matanggal sa programa!

TAMPOK NGAYONG MIYERKULES sa Face to Face ang kuwentong Prinsesa Ng Banyera, Nangungupit Ng Barya! Bangayan ito ng mga tindera ng galunggong sa palengke, si Daisy na kinukupitan ang among si Grace kaya nabangkarote ang negosyo at si Karen na nagkakalat na isang matinggera ang una.

Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang Tunay Na Anak Ay Tinotoyo Dahil Ang Ampon Mas Paborito!

Nagrerebelde ang damdamin ni Julie Anne sa nanay niyang si Aling Maritess dahil mas pinapaboran daw nito ang adopted child na si JV, na wala palang kamuwang-muwang sa kanyang pagiging ampon. Ibinunyag tuloy ni Julie Anne ang isa nang matagal na lihim, pero sa halip na galit ang manaig sa puso ni JV para sa kanyang adoptive mom ay nagpasalamat pa ito.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMove over Isabel Oli and Marie Digby: Sarah Geronimo is the real crush of James Yap!
Next articleAfter Nadine Samonte: Yasmien Kurdi is thinking of transferring to TV5

No posts to display