MAAGA PA lang, kumikilos na ang ilang sector ng lipunang Pilipino para sa kandidatura ni Boy Abunda sa 2016.
Yes, hindi lang pang-showbiz si Kuya Boy lalo pa’t alam naman ng marami (at napatunayan niya ito) na hindi lang siya magaling as a publicist at sa public relations kundi as a whole, bago siya ikumpara sa mga “trapo”.
Sa social media, kumikilos na ang mga supporters niya para makumbisi ang host na tanggapin ang alok sa kanya ng mga tao, organizasyon na sawa na at dismayado sa sistema ng gobyerno natin (kabilang kaya ang pamunuan ni PNoy ang isa sa mga dahilan?).
Sa simula, gusto niyang tumakbo sa LGU ng Eastern Samar bilang mayor or congressman lang para direktang makapag-lingkod sa kanyang mga kababayan. Ang kapatid niya na isa sa matapat na naglilingkod sa isang bayan sa Eastern Samar ay punong bayan. Ang dating ama ni Kuya Boy, naging Mayor din ng Borongan, Samar kung kaya’t hindi kataka-kata na ang pagsisilbi sa nakararami ay hindi nalalayo sa pakay niya.
But we’ve heard recently na tila maging ang grupong Abunda for 2016 (para maging public servant siya) na malakas at malaki ang populasyon at impluwensiya sa social media like Twitter, Instagram at Facebook ay pursigdo na makuha ang kanyang kumpirmasyon at pagpayag na until now ay hind pa rin sigurado sa kanyang stand kung sakaling pagbibigyan ng pagkakataon ay tatangapin niya ang kagustuhan ng mga kumikilos to his advantage.
Sa pagkakaalam ko, nagdadalawang-isip si Kuya Boy dahil sa malaking responsibilidad niya kung sakaling pasukin niya ang public service, lalo pa’t sabi niya noon, ang ina niya na may sakit at matanda na ay siyang prayoridad niya first and foremost.
Kahit dismayado sa sistema ng gobyerno (hindi niya tuwirang tinutukoy kung kaninong pamumuno or in general), ang alam ko, ayaw niyang maging bahagi ng korupsyon at bulok na sistema at kabilang na rin ang iba’t ibang isyu ng gobyernong PNoy na pati iskandalo sa pork barrel at mga politician na mga nangungurakot na lalong nagpapahirap sa kanyang mga kababayan ay hindi siya ayon.
On the lighter side, ang ganda ng pag-slim down ni Kuya Boy when we bumped into each other sa lobby ng ABS-CBN kung saan katatapos lang niya that night ng Aquino and Abunda Tonight.
Firm ang katawan niya na tila wala na ang baby fats. “I do diet. ‘Yung Cohen Diet, si Korina (Sanchez) ang nag-introduce sa akin. They based your food intake sa blood chemistry mo. Sila ang gagawa ng menu mo, so you won’t get fat. Helpful ang diet sa akin. Almost 30 pounds ang nabawas sa akin in a almost two months lang,” kuwento niya sa amin.
Reyted K
By RK VillaCorta