Boy Abunda, mababaw ang kaligayahan!

BLIND ITEM: KASADO na sana ang “silent ban” sa isang morenang aktres imposed by a showbiz talk show three weeks ago, but because there had been two consecutive episodes involving her kin (by affinity) ay inilabas ng programa ang kanilang mga interview.

Katwiran ng show, banned lang ang aktres, hindi ang isyung kinasasangkutan niya as this is piece of news.

Maaaring sa ngayon ay hindi pa nararamdaman ng aktres o ng manager nito ang naturang hakbang, but now that the ban is being intensified by the program ay nasa no-win situation ang hitad. Poor brown girl, may entry pa naman siya sa Metro Manila filmfest. Mapi-feature nga ang kanyang pelikula, pero tsk… tsk… tsk… she will never be able to see her face nor hear her own denials.

Worse, ang kamalditahan ng aktres ay mapipilitan niyang lamunin, ramming down her throat na sa labas nito’y (meaning, her leeg) mukhang naglilibag-libag, as her case will seriously be elevated to the network management and to the PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) para naman sa kanyang uncooperative manager.

But for now, the ban is in place. When this morenang aktres with a seemingly libaging leeg will see the ban lifted ay siya lang at ng kanyang magaling (daw!) na manager ang tanging makakasagot. In the meantime, magsabit kayo ng bungkus-bungkos na bawang sa pintuan at poste ng bahay n’yo to ward off supernatural beings tulad ng aswang.

Banned din sila, ‘no!

CAKES OF DIFFERENT colors and designs, sizes and shapes. Ito ang bumungad sa entrance pa lang ng studio ng The Buzz in ce-lebration of its host Boy Abunda’s birthday (bukas talaga ang kanyang kaarawan) noong Linggo.

Tiyempong hindi pa nakasalang si Kuya Boy when he saw us from a distance. Nagyakapan, nagkumustahan at nagtsikahan kami like the old times. That Sunday, much of Kuya Boy’s cheerful aura came from knowing that his Nanay Lising’s health condition was getting better. “Nothing else matters to me. Masaya ako na si Nanay, eh, nasa mabuting kalagayan.”

A month or so ago, ipinaubaya na ni Kuya Boy ang pamamahala ng kanyang Backroom, Inc. sa kanyang mga senior employees, about five of the entire staff are now manning his management agency na noon pa palang 1987 itinatag.

“I think it’s about time I gave back the gratitude to my staff,” paliwanag ng TV host. But when it comes to major decisions such as contractual concerns involving his artists, Kuya Boy still steps into the picture, isa na rito ang paglipat ni Gelli de Belen sa TV5 mula sa GMA.

Given his workload now, hindi na raw ito kasingbigat as compared to his Showbiz News Ngayon (SNN) days kahit ang kapalit nito’y ang pagsali niya sa Bandila. But what makes it different, gabi-gabi rin naman siyang nagtatrabaho?

Nauna muna ang tawa ni Kuya Boy, “Ang maganda kasi sa Bandila, puwede akong um-absent. Eh, sa SNN, dapat nandu’n ako palagi. Paano naman kung gusto kong bumiyahe, ‘di ba? Kaya nakaiskedyul na nga ‘yung mga travels ko in advance, eh. Ha, ha, ha!”

Anyway, dahil bukas pa naman talaga ang birthday ni Kuya Boy, sa mga artistang nahihirapang mag-isip ng ire-regalo sa kanya, stop stressing yourself out. One of the most appreciated birthday suggestions is food and make it… paksiw na bangus!

Ganu’n lang kababaw ang kaligayahan ng isang matayog at respetadong personalidad sa industriya.

WALA NANG SASAKIT pa sa inang si Alice nang malamang bukod sa karelasyon din ng dyowa niyang tomboy na si Joy ang kanyang best friend na si Virgie, pati anak niyang si Eileen ay tinuhog din nito. Sa kuwentong ito aagos ang galit sa episode ngayong Biyernes ng Face To Face na pinamagatang Tomboy Kong Jowa At Best Friend Kong Inggitera, Huli Sa Kama… Pati Anak Ko, Kinakana!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePelikula ni Vice Ganda, naka- P24 M sa unang araw!
Next articleHalaga ng buhay

No posts to display