BLIND ITEM: Kilalang prangka at intelihente ang dating international beauty queen na ito, apparently though, hindi niya masikmurang panoorin ang programa ng isang equally frank and intelligent TV host. Para kasi sa beauty titlist-turned actress, the TV personality who happens to be the object of her disgust sucks!
Ganito niya ito tahasang sinabi sa malapit na kaibigan ng TV host, “I’m sorry, but no matter how you defend her, which I understand since you’re close to her, I really can’t bear watching her on TV!”
Da who ang dalawang tauhan sa kuwentong ito? Let’s thank the Lord, we wake up to a “glorious morning” amidst “queenly talks” that unmake our day!
FUNNY THIS story, sa kung anong paraan ay napasakamay ni Boy Abunda—himself one of the judges—ang seven remaining unasked questions sa coronation night ng Binibining Pilipinas Gold nitong April 14.
Du’n din lang namin nalaman that the judges’ questions were literally spoonfed, not the ones they actually formulated themselves. Susme, kung ganu’n din pala ang sistema, ‘di sana’y ifinlash na lang ang mga tanong sa 15 semi-finalists sa monitor without having to pick on random kung sino sa mga hurado would bombard those more than a dozen hitads with the questions!
Lunes ng gabi, pagkatapos ng ngaragang trabaho ni Kuya Boy ay niyaya niyang kumain ang kanyang wrier (both for his Bandila’s Ikaw Na segment and The Bottomline) na si MJ Felipe. For playtime’s sake, iniabot ni Kuya Boy ang listahan ng pitong ‘di pa niya napasadahang tanong kay MJ na niyaya niyang mag-late dinner at a resto in Tomas Morato.
MJ acted as one of the judges who tossed all seven questions with Kuya Boy as the candidate.
Sa madaling salita, it was a mock Q & A portion. Todo-project ang King of Talk, slipping into the high-heeled shoes of a real semi-finalist. May grace under pressure namang nasagot ni Kuya Boy ang pitong tanong, but he later realized that some questions could be tough.
And having sat as one of the judges during the coronation night ay lalong naunawaan ni Kuya Boy ang kaba’t nerbiyos ng mga kandidata sa naturang bahagi na ‘yon ng pageant. Pero isa lang ang praktikal na payo ni Kuya Boy, “Listen to the question because it is actually from the question that you will find the answer.”
Tama.
EVERYTHING SEEMS to fall in place for Grace Poe na tumatakbong Senador in terms of family support.
Sa ngayon, her mom Susan Roces is not neck-deep with her showbiz assignments. Kung nagkataon kasing umeere pa sa ABS-CBN ang Walang Hanggan, Tita Swannie or Manang Inday—as she is fondly called in showbiz circles—would barely have time para tulungan ang kanyang anak sa pag-iikot sa iba’t ibang parte ng bansa.
Nasaksihan ang stunning presence ng Queen of Philippine Movies nang buong pagmamala-
king inilapit ni Mother Lily sa press si Grace Poe nitong Sabado.
Also, Grace’s half-sister Lovi Poe is also biding her sweet time para sa kanyang pagbabalik-TV. As it is now, the likelihood of Lovi renewing her contract with GMA seems slim, kaya ang nagkakaisang sapantaha ng publiko, her guesting in an ABS-CBN’s talk show over the weekend could mean she has found a new home.
Mabuti rin at hindi gaanong visible sa showbiz ang pinsang buo ni Grace, si Sheryl Cruz (daughter of Rosemarie Sonora na kapatid ni Tita Swannie). Si Sheryl kasi ang madalas kasa-kasama ni Grace sa kanyang mga campaign trail.
Back to the senatorial bet, we caught a glimpse of her nu’ng iupo siya sa Kandidato 2013 na ipinalalabas tuwing Huwebes sa GMA. Impressive ang kanyang credentials, having pursued higher studies in Boston, Massachussets. Maging ang kanyang work experience until she served as MTRCB chair makes her qualified for a senatorial post.
Simple lang ang plataporma ni Grace batay na rin sa ibig ipakahulugan ng kanyang apelyido: P for Poverty alleviation, O for Opportunities for the children at E for Electoral reforms.
If only for what the three-letter acronym means, it says it all for a nation to prosper.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III