WHAT’ THE best ingredients para sa isang maga-ling na host?
Para sa akin, peg ko marahil si Boy Abunda who can shuffle from being the tsismoso on The Buzz; from being the sosyalera who can handle a conversation with a brilliant lawyer like Atty Kapunan to a controversial politico on hot water to a daughter of a politician like Katrina Ponce-Erile in his Saturday talkshow Bottomline.
Ang galing ni Kuya Boy. From a tsismosong question kung totoong buntis or in love si showbiz celebrity to the rumoured questionable death of a lover in the early 80’s asking such question to a Katrina Ponce-Enrile on Alfie Anido, kering-keri ni Kuya Boy.
Fan kami ni Kuya Boy noon pa man. When he talks, I listen. He has wisdom sa mga topics na dini-dicuss niya. He is a good public speaker.
In a recent gathering of Quezon City Travel Agents at the Richmond Hotel in Eastwood-Libis last year, he talks about marketing. He is a genius. He talks about branding. He can deal on topics such as fashion and lifestyle; from showbiz gossips to promoting the Philippines abroad.
Kaya nga when rumours started circulating na sa pag-upo ni P-Noy as President of the Philippines, baka siya ang gawing Secretary of Tourism para ipalit sa mga previous big bosess ng departamento na sablay at palpak.
Pero nais ni Kuya Boy to do the things he wants and he loves. Kaya nga pursigido siya na tapusin ang kanyang Doctorate studies sa Philippine Womens University (PWU) para makatulong sa gusto niya na maging educator.
As a celebrity host, hind rin kaila sa mga tagasubaybay ng kanyang shows (The Buzz, Bottomline at ang segment niya sa nightly news show na Bandila) na isa siyang inspiration sa mga kabataan, lalo na ang mga estudyante na gusto gayahin ang kanyang yapak.
Biro nga niya palagi sa mga humahanga sa kanya, siya ang Ingleserong “social climber”. SC man or whatever you call him, hanga kami kay Kuya Boy. Bilib kami sa galing niya.
Sa panahon na marami ang nangangarap na maging Kuya Boy sa industriya; not a Raymond Gutierrez or even a Tim Yap can be the next in line.
Kakain sila ng alikabok.
KALOKA ANG GMA Kapuso Network.
Mabuti na lang at may sari-ling isip ang News and Current Affairs personalities nila with the likes of Jessica Soho, Kara David at Vicky Morales.
Kung hindi, baka pati sila, hindi nila sinipot ang nakaraang 26th Star Awards for TV ng PMPC (Philippine Movie press Club) dahil sa utos ng mga bosing nila sa GMA 7.
Earlier that Sunday night, kumalat ang tsismis sa backstage ng Irwin Lee Theatre sa Ateneo na naglabas ng memo ang mga bosing ng Siyete na walang mga taga-Kapuso Network ang dapat dumalo sa naturang okasyon.
Feeling kasi nila, magiging unfair ang PMPC sa kanilang magiging desisyon sa kung sino ang mananalo sa mga news and current affairs category.
Overheard sa tsikahan sa backstage na sina Kara at Vicky na they have to be present kahit pinagbawalan sila ng GMA Management.
Kaloka ang GMA, may insecurities pa rin sila. Pero frankly speaking they always excel sa kanilang mga news and current affairs program. Sa totoo lang, ‘di hamak na mas matino ang News and Current Affairs show ng GMA 7 compare sa mga shows ng Kapamilya Network.
Kakain ng alikabok ang XXX nila versus I Witness. ‘Di hamak na mas maganda ang show ni Jessica Soho over Balitang K ni Korina Sanchez. Content wise, ‘di hamak na mas news-oriented ang mga news program ng Kapuso Network kumpara sa masyadong personality oriented at may pagka-bias kung minsan sa treatment nila ng balita ang mga taga-ABS-CBN News Team.
Personally, I love watching the shows of Jessica, Kara (and her co-documentaries) at Vicky.
Kudos to the GMA News and Current Affairs Team and special mention to the documentaries of GMA News TV na ang gaganda naman ng mga palabas.
Ang dapat pag-igihan ng Kapuso Network ay ang pag-develop nila ng mga artista nila na dapat maging mukhang artista at ang mga local productions nila na pinag-isipan at sinulat ng mga totoong creative people.
Reyted K
By RK VillaCorta