Boy Abunda, nakatakdang dalhin ang ina sa Germany para sa isang treatment

UNA NAMING narinig kay Abunda ang salitang “Stemcel” over a recent business meeting. This latest medical breakthrough literally sounded Greek to us, but it’s actually German. Ayon kay Kuya Boy, nakaiskedyul na niyang dalhin ang kanyang buti-hing inang si Nanay Lising to Germany for such treatment.

All that Kuya Boy told us was sa nasabing bansa sa Europa lang daw ‘yon available, if we’re not mistaken, extracted from the black mountain sheep.

Mas naliwanagan kami sa Stemcel na ito nang bumangka na si Mother Ricky Reyes, after his guesting in Startalk TX last Saturday, among its hosts. His 93 year-old mom availed of the treatment herself, pero hindi raw ito bumiyahe patungong Alemanya. The doctor—whose clients include Stallone, Mandela, Oprah Winfrey, among others –administering the Stemcel flew to the Philippines. Dito na rin daw nagpa-treat ang ilang kilalang pulitiko including former President Erap Estrada.

For the record, nakakadalawang Stemcel treatments na si Dra. Vicki Belo.

Tinanong namin si Mother Ricky kung paano isinasagawa ang procedure. Sa magkabilang pigi ay iiniksyunan ang pasyente ng may-apat o limang pulgadang haba ng karayom twice the size of a ballpen in circumference. Surprisingly, it is a painless injection, no anaesthesia.

Target ng Stemcel ang siyam na vital organs ng tao na pinababata o nire-rejuvenate ng Stemcel. Kung dati-rati raw ay wheelchair-bound ang kanyang nonagenarian mother, nakayuko lang parati at hindi umiimik, after the Stemcel ay naipapaling na raw nito ang kanyang leeg on eye level. Kapag tinatanong din daw ni Mother Ricky ang kanyang ina ng, “Are you okay?”, kaagad sa sasagot daw ito, “Yes, I’m fine.”

Hindi na namin babanggitin ang isang tanyag na showbiz-political figure na ito, pero makaraan daw siyang sumailalim sa Stemcel ay nagdayalog daw ito sa doktor ng, “Oh, you made my sex life terrific!” to think na sitenta mahigit na ang edad nito.

Mother Ricky then advised Lolit Solis to subscribe to the same treatment, pero biro ng kanyang co-host na si Ricky Lo, “Lolit, hindi Stemcel ang kailangan mo… sperm cell!” Initially, isusumite muna raw sa Germany-based doctor ang blood analysis ng kanyang tuturukan, and ‘Nay Lolit — convinced by its miraculous effect to regain her hormonal balance — will do just that.

If Mother Ricky were a sales agent, he would have made brisk business. Kaso, ang tanong: gaano kamahal magpa-Stemcel? Hold your breath, it’s a whopping 15,000 euros or roughly equivalent to Php 980,000. Siyempre, hindi kasama rito ang biyahe patungong Germany, hotel accommodations, pocket money and alike.

Habang ikinukuwento ito ni Mother Ricky, a sad expression was written all over Butch Francisco’s face. Paano naman daw ang mga walang-kaya sa buhay? Come to think of it.

ON THE pretext na nais lang daw niyang makita ang nawalay na anak sa loob ng labinsiyam na taon, lumabas din ang totoong pakay ni Erlinda. Balak niyang bawiin si JR mula sa pinaghabilinan niyang kaibigang tomboy na si Daisy, sa kuwentong ngayong Miyerkules sa Face To Face na pinamagatang Inang Kinati Sa Paghahanap Ng Lalaki, Iniwan Ang Sanggol Sa Tomboy Na Kaibigan… Dalawang Dekada Ang Nagdaan, Babawiin Ang Anak Na Ganu’n Na Lamang!

Abangan naman bukas, Huwebes, ang episode na Inagaw Ni Kumare Si Kumpare Dahil Nabuking Niya Na Ang Kanyang Kinakasama’y Isang Binabae! Proud si Juday na ipagbanduhan na mahal niya si Richard na asawa ng kanyang kumareng si Marilyn. Ang pagpatol ni Juday sa dyowa ng may dyowa ay makaraang matuklasang isang beki pala ang kanyang kinakasamang si Jerome na proud naman sa karelasyon nitong si Ronnel.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJoey de Leon at Edu Manzano, magsasama sa isang game show
Next articleDirek Brillante Mendoza, proud sa bagong pelikula!

No posts to display