BLIND ITEM: ILAMBESES na palang ginagawa ng isang bagets actor ito. ‘Yung nagnanakaw siya ng halik. One time, sa taping ng youth-oriented show, habang hindi pa take ay nagbibiruan sila ng isang newcomer.
Eh, dalawa lang sila that time. Sa gigil ng bagets actor na ito, sinunggaban niya ng halik ang newcomer. Inismak nang bonggang-bongga sa lips. Na-shock ang newcomer. Hindi agad nakapagsalita.
Noon lang na-realize nito na bading pala ang bagets actor. Hindi lang namin alam kung saan na tumuloy ang halik na ‘yon. Malay ba naman namin kung tuluyan nang iniwasan ng newcomer ang bagets o in-entertain pa nito ang bagets na magnanakaw ng halik.
May nagkuwento rin sa amin noon na isang non-showbiz friend (na siguro, 35 years old na ngayon). Mga 9 years old pa lang daw ang bagets actor nu’ng time na mangyari ang kanyang kuwento.
Kilala kasi ng aming friend ang parents ng bagets. Nanood ng taping ng isang children’s show noon ang aming friend. Nagkataon na naihi ang friend namin at ang noo’y child actor, sabay silang nagtungo sa CR.
Habang magkatabi silang umiihi sa urinal, na-shock na lang ang a-ming friend, dahil sinisipat-sipat daw ng bagets ang kanyang nota. At noon di’y hindi niya pinag-isipan ng masama ang bagets.
Pero pagkatapos nilang umihi pareho, sa tangkad ng friend ko, biglang tumingkayad ang bagets at hinalikan sa labi ang aming friend. Na-shock siyempre ang aming kaibigan.
“Tito, ‘wag n’yo pong sasabihin sa mami at daddy ko, ha? Sorry po!”
“’Wag mo na lang uulitin ‘yon, ha? Masama ‘yon,” sey na lang ng aming friend.
Kaya feeling namin, naeelya ang bagets ‘pag nagnanakaw ng halik.
Eh, ngayong grown-up na siya, hindi lang namin alam kung ‘yun pa rin ang ginagawa niya o lumevel-up na siya at “sumi-sing-along” na rin ngayon.
Kunsabagay, pasok na pasok sa banga kapag ang role niya ay bakla-baklaan.
ALL’S WELL THAT ends well sa pagitan nina Kuya Boy Abunda at Erik Santos. “Giyera” pa ring maituturing ang isyu kina Tita Annabelle Rama at Nadia Montenegro.
Kina Kuya Boy at Erik, happy kaming malaman na okey na sila’t napatawad na ni Kuya Boy ang Prince of Pop.
Between Tita Annabelle and Nadia naman, kilala rin naming pareho sila. Kung kanino kami mas naniniwala?
Naalala namin ang isang dating kaibigan ni Nadia. Napakahaba ng usapan namin sa telepono nito. Na kesyo hindi man lang naalala ni Nadia ang naitulong niya sa kanyang pamilya at siya pa ang binaligtad.
Mula raw nang mangyari ‘yon, hindi na raw siya nakipag-close pa kay Nadia. Meron din daw utang sa kanya si Nadia, pero ililista na lang daw niya ‘yon sa tubig kahit pa raw pinalalabas ni Nadia na ang daming naitulong nito sa kanya.
Parang gano’n din ang kuwento ni Tita Annabelle.
Part 2 ba ito ng unang kuwentong nakarating sa amin?
AFFECTED KAMI AFTER watching No Other Woman, hindi dahil nakaka-relate kami sa istorya, dahil unang-una, sino ba kami kina Anne Curtis, Derek Ramsay at Cristine Reyes, ‘di ba?
Si Anne Curtis, hindi namin naramdamang siya si Anne, kundi siya si Kara, ang kabit ni Derek. Ang husay-husay ni Anne. Simple lang din ang atake ni Cristine sa kanyang character. Habang si Derek naman na pinag-aagawan ng dalawang girls ay parang ang laki-laki ng bird, hahaha!
Ang ganda ng batuhan ng dayalog. Feeling namin, dinagdagan ‘yon ni Direk Ruel Bayani, kaya me mga linyang: “I-pack up mo na d’yan sa katawan mo si Lucy Torres. Ilabas mo na si Gretchen Barretto at ako na ang bahala sa red stiletto mo!”
Hahaha! Waging-wagi ang mga linya.
Ay, oo nga pala, naalala na namin. Naka-relate kami kay Derek Ramsay.
Kalbo rin kami nu’ng araw.
Oh My G!
by Ogie Diaz