HINDI BINIGO NG kaibigang Boy Abunda ang inyong lingkod sa tunay niyang naramdaman sa “controversial” na pahayag ni Vicki Belo.
“I cannot deny the fact that I was hurt. Terribly hurt. But after a day or two, naisip kong there is no reason why I won’t forgive. I accept her apopology, it was sincere. I find it sincere and I am trying to move on.
“It’s Ash Wednesday today and the message is for us to forgive and be forgiven.”
Very Boy para sa inyong lingkod ang lahat ng tinuran ng aking kaibigan. Nang gumaralgal ang kanyang boses sa SNN noong Lunes, dama ng buong bayan ang sakit na nararamdaman ng isang taong sinaktan, nasaktan at nabigla sa insultong natanggap sa isang dating kaibigan.
“Kahit kailan, hindi naman ako nag-ambisyon na naging o maging maganda. I am proud of what I have. I am also proud being Waray. Pati accent ko as a Waray is something I can be proud of. Kapag umi-Ingles ako at bigla akong nabulol dahil sa accent ko, tumitigil ako, kahit paano. Walang problema sa akin sakaling magkamali. Puwede namang ulitin. Hindi ka naman huhusgahan ng mga tao dahil sa isang pagkakamali. Accent lang ‘yan. I feel that I am more than an accent,” makahulugan niyang pahayag.
Sa totoo lang, napakabait ng Diyos kay Boy at alam din niya ‘yan. Nabiro pa nga namin ang mabait na host na kung dadagdagan pa ng Diyos ang lahat ng binigay sa kanya, baka sabihin naming napaka-unfair ng Diyos. Bakit naman sa kanya lang ibinibigay ang lahat. Magtira naman Siya sa mga katulad kong anak din ng Diyos.
Wala nang mahihiling pa si Boy kung tutuusin. Narating na niya ang dapat marating. Hindi mabilang ang kanyang TV shows. Marami ang naiinggit sa kanyang dakilang nanay for raising a son like him. Marami rin ang gustong tumuklas kung paano ba niya napalaki ang isang Boy Abunda na makapagbibigay sa kanya at mga kapatid niya ng sobra-sobrang kaligayahan at kaginhawaan sa buhay. Without stepping on anybody’s shoes or using anybody for that matter.
Anybody would like to be in the shoes of Boy. Talent, perseverance, determination, loving and beautiful inside and out. Yes, marami ang gustong maging katulad ni Boy, ang maging kamukha ni Boy. Kaysa naman naggagandahang nilalang na naaagnas din ang panlabas na kaanyuan.
Isang tingin kay Boy, alam mo agad na Masaya siya. Masayang-masaya. Buo ang kanyang buhay, ang kanyang pagkatao. Walang inggit o masamang buto sa kanyang katawan. At marunong din siyang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang tinatamasa niya ngayon.
Higit sa lahat, mapagpatawad siya. Pati nga si John Lapus, gusto niyang patawarin. Gusto niyang magkasundo na rin sila ng kaibigang hindi rin malaman ng lahat kung bakit “sinasaksak” siya sa likod.
“Pero, ayoko munang isama si John sa ating usapan ngayon. Kasi I cannot talk about the confidentiality arrangement in my case against him. Pero, darating tayo d’yan and I will share it with you. I owe you a lot, my honesty and sincerity. Gusto ko ring i-share din sa inyo. Hindi para isulat kundi para maunawaan ninyo.
“Ayoko na ring himay-himayin ang akala ninyo o akala ko na pinagbubuhatan nito, lalo na on the part of Vicki. Hindi makatutulong. Gusto ko lang malaman niya na nasaktan ako. It was very cruel for her na masabi ‘yon. I have served her well noon. That’s why it came as a surprise for me na insultuhin niya ako nang ganu’n, lalo’t hitsura ang pinag-uusapan.
“But I am moving on. Mas maraming puwedeng mapag-usapan at ma-appreciate sa mga pangyayari. Nakakatawa na ako ngayon. Nakakapagkuwento without being emotional.
“I am also glad dahil nasabi ko na sa nanay ko na wala akong ginawang masama kay Vicki to deserve that insult. Natuwa na ang nanay ko. Lumuwag na rin ang kanyang kalooban.
BULL Chit!
by Chit Ramos