Boy2 Quizon: Producer Na Rin

LUMABAS SI BOY2 Quizon mula sa Studio 6 ng GMA-7 para sa taping ng Bubble Gang. Nataon namang breaktime muna kaya’t pagkakataon ko na ring tanungin ang kanyang mga ginagawa bilang isang artista.

Si Boy 2 ay isa ring mahusay na musician at tila nakahiligan niya ang reggae music katulad ng paghanga niya kay Bob Marley na siyang itinuturing na Ama ng Reggae music. Ang ‘di ninyo naitatanong, hilig niya ang hip-hop tulad ng Busta Rhyme, Sean Paul at ang bandang 311. Masasabi natin na isa siyang ‘Tisoy’. Palibhasa ang kanyang Grandpa na si Dolphy na Komedi King ay inamin naman sa akin na mas lamang ang blood niyang Spanish. Sa bagay, si Epi Quizon, kung kamukha ni Pidol ay lumabas pa ang guwapong grandson na si Boy2. Siya ngayon ang bida natin dito sa larawan sa canvas. Kapag matagal mo na siyang natitigan, tila makabagong Dolphy sa he-nerasyon ngayon. Kuwidaw ha! Ang bagsik ng bloodline ni King Pidol, halos ang mga anak at inapo niya ay hindi mo maaaring maikaila dahil andu’n na ang larawan ng kanyang dugo at hawig talaga sa kanya.

Paano ka nahilig sa comedy? “Nahilig ako simula noong bata, kasama ko ‘yung pamilya ko. Dati dinadalaw ko lang ‘yung lolo ko sa taping. ‘Yun, nag-umpisa ako sa commercials, commercials.”

Alam mo bang sisikat ka nang husto ‘pag nagtuluy-tuloy ka sa iyong career? Na po-foresight ko na ‘yun.   “Thank you… thank you!”

Dahil medyo kalog na mabait, hindi ka maiilang kausapin. Sa bagay, taga-Bubble Gang at sanay sa mga jokes.  O sige nga, tanong ko, sino ang nagiging ka-loveteam mo ngayon? “Ah, wala! Ngayon kasi, binibigyan ko ng importansiya ang trabaho. Mahirap din kasi. Kasi kung magkakaroon man ako, siguro mga 26 o 27 o 25. Iniisip ko na rin one day baka mga 31, 32.”

Ah sa bagay, ang mga bagong kabataan ngayon ay marurunong na sa buhay at tila ang tinutumbok niya ay business  muna. Uhmm! Ano ‘yung bata ka pa, ano ‘yung hilig mo? Talaga bang may pagka-comedian ka o hindi naman? “Actually hindi naman talaga, eh. Parang tumagal lang nang tumagal, doon ko na-realize na… na expose ako nang matagal kasama ko iyong pamilya ko. Tapos paglipat ko ng GMA dito na sa Bubble Gang. At dito sa Bubble Gang, comedy at para na kaming pamilya.”

Nabanggit kong matagal kaming nag-usap ng lolo niya sa aking interview sa kanya sa mansion na bahay nito. At ipinanalangin ko rin na sana ay humaba pa ang kanyang buhay. At binanggit ko rin na may ginagawa akong painting ni Pidol kaya lang, ‘di ko pa lang natatapos, pero malapit na. “Tama ‘yun kasi ang ginagawa niya eh, kung saan siya masaya, kaya hahaba talaga ang buhay niya. Kung ako sa kanya basta ipapahinga niya, kung gusto niyang magtrabaho, ok ‘yun.”

Tinanong ko siya kung ano ang iba niyang magiging pro-ject. “Ang ginagawa ko ngayon eh, may production na akong sarili, ang tawag ay Brown Sugar Production. By this coming June, lalabas ‘yung bago kong show sa GMA na ako ang nag-produce.”

Wow, ha! Galing naman! Bata pa negosyo na ang nasa isip. Kaya sinabi ko na kapag may presscon siya, tawagan niya lang ako. At muli, tinanong ko kung komedi rin ang konsepto nito. “Comedy siya. Maganda siya.  Isa siyang bagay na dapat abangan. Ito within 2 to 3 weeks, inihahanda na namin ‘yung show.”

Nak’s! Malapit na. Abangan natin mga kaparazzi ito. Dugtong  ko, sige sabihin mo lang ha, ibi-build up natin ‘yung mga artista mo. “Sige, sige ‘pag nag-launch kami iimbitahan kita talaga. “Sa bagay, may iba’t ibang mukha ang artista sa sining ng showbiz. Ito namang si Boy 2 ay tila nakikita ko na magiging maunlad ang kanyang career hindi lamang sa pagiging artista kundi pati na sa pagiging baguhang producer.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838, e-mail: [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net


Previous articleAndi Eigenmann & Matteo Guidicelli: Only Bitterness Remains?
Next articleRegine does the ‘Naglilihi’

No posts to display