After almost four months ng pagiging ina niya ay nagbabalik sa showbiz si Beauty Gonzales.
“Ang akala ko nu’n, hindi na ako makababalik. Siyempre love ko ang pag-arte,” kwento niya sa amin sa presscon ng kanyang comeback movie na “Achy Breaky Heart” under Antoinette Jadaone for Star Cinema as the BFF of Jodi Sta. Maria who plays the role of Chinggay na nasa gitna ng dalawang lalaki na nagmamahal sa kanya.
Last Tuesday evening, habang idinaraos ang presscon sa loob ng venue, ang boyfriend naman ni Beauty Gonzales na si Noel Crisologo (from Ilocos), nandu’n lang sa labas, nakaupo at hinihintay ang kanyang “love” na si Beauty.
Nang malaman na ‘yung guwapong lalaki na ‘yun sa labas ay boyfriend ni Beauty na ama ng kanyang 4 months old baby, ang mga showbiz paparazzi nagkagulo na para makunan ng picture ang dalawa.
Mapagbigay naman sila. Hindi nagmaramot.
Nalaman din namin kay Beauty na hands-on mom siya sa baby nila ni Noel. Nang nag-travel sila sa ibang bansa, siya mismo ang nag-aalaga sa baby niya.
“Mahirap. Wala akong kasama na yaya, pero enjoy. Tama ‘yong sabi nila na ang baby mo ang magpapasaya sa iyo,” kuwento niya sa amin pagkatapos ng main presscon sa tonong Bisaya na Bisaya.
“Mahirap din pero enjoy. Love na love ko ang baby namin,” kuwento niya sa amin.
Huling napanood si Beauty sa morning serye na “Ningning” na morning pampa-good vibes, kung saan she played the wife of Ketchup Eusebio at ina ni Ningning sa serye.
Nang malaman niyang buntis siya, siya na mismo ang nagpaalam sa produksyon para hindi siya makaabala.
“May kaunting panghihinayang. Hindi naman iyan nawawala sa atin. Parang feeling ko, may purpose na ako in life. I feel so complete. Ang sarap, sarap maging nanay,” pagmamalaki ni Beauty sa kasalukuyang estado niya.
For two months, nagpa-breast feed siya. But for now naka-formula ang bata.
Nakagugulat nga ang bilis ng pagpaseksi ni Beauty after she gave birth, and that was only four months ago.
“Puro gulay ang kinakain ko. Nag-e-exercise din ako,” sabi niya. “Pumayat na ba ako?” tanong niya sa akin.
Sa muling pagbabalik niya sa showbiz, may pangamba rin si Beauty. Sabi niya, “Hindi mo rin kasi alam kung anong mangyayari sa iyo, eh. Kung tatanggapin ka ba ulit? Siyempre, nabuntis ako… kaya takot ako. Pero I’m so happy at naalala pa rin ako ng mga taong nagmamahal sa akin.”
Sa Wednesday June 29 na na ang bagong rom-com na nagtatampok kina Jodi, Richard Yap and Ian Veneracion.
Reyted K
By RK VillaCorta