USAP-USAPANG SOBRANG DEPRESS daw si Heart Evangelista lately. Sa mga tweet nga niya sa kanyang Twitter account, parang malungkot at may iniinda nga raw problema ang dalaga.
May balita ring break na raw sina Heart at Daniel Matsunaga. Hindi raw kaya ito ang dahilan ng depression ngayon ng aktres?
Handa na raw magbuhos ng kanyang saloobin tungkol dito si Heart live ngayong Sunday sa Showbiz Central. Ano nga kaya ang mga rebelasyong maririnig from her na sanhi ng napapabalitang depression niya sa ngayon?
Abangan na lang natin!
HAPPY SI DIREK Paul Soriano na hindi lang acting ni Maja Salvador sa Thelma ang pinupuri kundi pati ang kabuuan ng pelikula at kung gaano niya kahusay naidirek ito. Graded A pa nga ng Cinema Evaluation Board ang nasabing project na sa ngayon ay palabas na in over 50 theaters nationwide.
“We’re overwhelmed!” ani Direk Paul. “Fantastic. We’re very thankful to the Cinema Evaluation Board for appreciating the film. You know… we worked very hard. So… to get an A, just means we did a great job.”
“Si Maja for me, best actress siya rito. She carried the movie from start to finish. There’s no other person talaga to play the role of Thelma but Maja Salvador. Fantastic siya rito. Matapang siya. Passionate. Lahat ng gusto mo sa isang artista, naka’y Maja ‘yan.”
Nataon na sa pagpapalabas ng pelikula, may mga intriga at mga isyung nagsulputan tungkol kay Maja. Na-link pa nga ang young actress sa kanya. Tapos naipit din ang dalaga sa nangyaring suntukan sa pagitan ng boyfriend nitong si Matteo Guidicelli at si Coco Martin.
“Ako talaga, focused lang ako sa film,” reaksiyon ni Direk Paul. ‘Yong pelikula talaga ang iniisip ko, e. Sabi ko kay Maja… fight! Si Thelma (character ni Maja sa movie), nag-fight. So… fight din siya.”
Dahil sa movie with Maja, naintriga rin nga siya at na-link sa aktres. Ano ang naging pakiramdam niya hinggil dito?
“Talagang… of corse, unfortunate. Uncalled for. Kasi hindi naman kailangan ‘yan, e. Pero… what can you do? I think in every good project you do, there’s always some people trying to bring you down. So… we don’t allow that to happen.”
‘Yong naging isyu sa kanila ni Maja, mas nakapagpa-strong pa raw sa relasyon nila ni Toni.
“Yes. Every issue that Toni and I face brings us closer together.”
Ano ang na-realized niya sa intrigang nasangkot ang pangalan niya?
“Not to mind it. Kasi everyday naman we (sila ni Toni) talk. We text. So we know talaga the truth, e. And I trust Toni with all my heart. She has not broken my trust in the last four years. And I would like to think ako rin, e.
“So… everytime I hear intriga… tsismis… I don’t mind it. Honestly I just look the other way. And Toni knows the truth naman, e. After watching the movie, now she (Toni) knows why I was so focused and involved with Maja. Kasi talagang… acting workshops tayo. Tutok sa training bilang runner. Iyon lang ‘yon.”
Klaro?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan