UNFAIR NAMAN para kay Sebastian Castro na mapagbintangan na nangaliwa siya sa relasyon nila ng dating news reporter ng ABS-CBN na si Ryan Chua na ang halos apat na taon nilang pagmamahalan ay nauwi sa hiwalayan.
“No, it’not true na si Mikoy (Morales) ang reason,” panimula ng commercial model turned actor nang makausap namin siya sa special screening ng LGBT themed movie nila ng binata na “4 Days”, directed by no less than Adolfo Alix Jr. na tumatalakay sa mga pag-ibig at pagiibigan ng dalawang UP students.
Para sa kanya, unfair naman na madamay si Mikoy sa isyu ng hiwalayan nila ng kanyang boyfriend. “Kawawa naman si Mikoy,” paliwanag ni Seb with his American twang.
‘Yung sa kanila ni Ryan: “We’ve parted ways due to distance. He is based in Beijing in China and he works for CCTV, one of China’s biggest television network,” sabi ni Seb.
Matagal na wala si Ryan sa ABS-CBN (two years na yun) at almost two years na ang reporter sa CCTV News when they decided to part ways only last September 20 of this year na sana ay pang-fourth anniversary na nila.
Actually, nasa tamang timing ang pago-open nina Sebastian at Ryan ng kanilang relasyon in public.
Sa panahon na mas tanggap ng mga millennials ang men to men or gay to gay partnership or relasyon, happy sila ni Ryan na hindi malaking isyu ang relasyon nila nang i-open nila ito at in-open publicly.
Kaya akma lang ang pelikulang 4 Days ni Direk Adolf dahil it deals with the current love affairs ng mga millennials who are into this type of relationship.
Kasama rin sa pelikula sina Stephanie Sol, Arvic Tan at Rosanna Roces. The movie’s theme “Pusong Hindi Makatulog” is composed and performed by Mikoy Morales.
“With 4 Days, it will help people understand na there is also an men to men or gay to gay love affiars. I just hope moviegoers will support out film,” kuwento ni Seb.
Simula today, Oct 18 ang showing ng 4 Days sa Trinoma at Grennbelt 1 Cinemas.
Reyted K
By RK Villacorta