AYON sa Ayuda Babes star na si Brenda Mage, positibo ang naging epekto sa kanya ng pandemic at lockdown dahil sa COVID-19. Kung ang iba raw ay nakaranas ng kakapusan sa pera, siya raw ay hindi.
“Ako po, hindi naman po sa pagmamayabang pero yung pandemic po naging… kung sa iba naapektuhan talaga sila during lockdown, sa side ko po medyo naging positive po yung dating sa akin,” pag-amin ni Brenda sa presscon ng Ayuda Babes.
Patuloy niya, “Kasi bukod sa pagko-comedy bar po, ang naging soure of income ko po ay ang pagba-vlog ko. Because ang mga tao nasa bahay lang po, mas malaki po yung chance na tumaas yung views ko for vlogging so mas lumaki yung income ko sa Youtube na hindi ko inaasahan.”
Hindi rin daw siya naka-experience ng depression at anxiety during pandemic. Natulungan din niya ang ilang kaibigan at pamilya dahil sa kinikita niya sa Youtube.
“Hindi po ako nagkaroon ng depression, ng anxiety attack,” sabi pa niya. “Marami po akong friends na naapektuhan and I’m so happy kasi I was able to help them dahil ako naman ang kumikita.
“Nagkaroon din ako ng chance na magpunta sa lugar kung saan masyadong apektado. Yung iba hindi masyadong nakikita sa social media, yung iba nakikita naman — namimigay po ako ng mga relief goods galing sa mga kinita ko sa vlogs.
“Yung pamilya ko natulungan ko sa probinsya. Tapos yung mga friends kong naapektuhan kinupkop ko muna lahat sa bahay tapos ako rin ang nagsu-support sa kanila. Yon ang naging thankful ako kasi don ko napakita na kahit papaano kaya ko palang tumulong sa ganung paraan,” pahayag pa ni Brenda.
Mapapanood ang Ayuda Babes sa iWantTFC at Ktx.PH simula March 5. The movie is produced by Saranggola Media Productions and directed by Joven Tan.