MAY NAGING pagsisisi pala si Brenda Mage kung bakit sumali pa siya sa reality show ng Kapamilya network na Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10. Inamin niya ang tungkol dito sa latest vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila sa kanyang Youtube.
“Noong pumasok ako sa Bahay ni Kuya, naniniwala talaga ako na ang Pinoy Big Brother ay teleserye ng totoong buhay. Ang natutunan ko is, minsan kahit na sabihin mong nagpapakatotoo ka bilang ikaw, i-consider mo rin na hindi lahat maganda ang paningin ng iba.
“Kailangan mo rin i-adjust yung sarili at ugali mo dahil alam mo naman na hindi siya appropriate sa ibang tao,” pagtatapat ni Brenda.
Matatandaang naging kontrobersiyal si Brenda sa loobng PBB house dahil sa naging isyu sa kanila ng kapwa housemate na si Alexa Ilacad at tinawag na inappropriate joke niya sa isa ring housemate na si Eian Rances.
Dito na Inamin ni Brenda kay Karen na nagsisisi siya sa pagpasok niya sa PBB.
“Yes! Parang feeling ko, sa lahat ng na-achieve ko sa buhay ko ngayon, ang pinaka-achievement ko na akala ko imposibleng mangyari is maging housemate.
“Since 2010 nag-audition ako sa PBB four times na, pang-five yung last year. Tapos ngayon lang ako nakuha, tapos sa celebrity pa ako nalagay. Yon yung nagpa-realize sa akin na hindi pala lahat ng pangarap na gusto mong maabot, pag nakuha mo na ay magiging masaya at fulfilled ka.
“Yon din yung nagpa-realize sa akin na huwag mo nang i-push kung hindi talaga para sa ‘yo,” paliwanag niya.
Kaagad ding hinusgahan at binatikos ng viewers at netizens si Bremda dahil sa mga ikinilos niya sa PBB house at inaming natakot din siya sa bantang tatanggalin ang kanyang social media accounts na main source of income niya.
“Kaya ko naman i-handle yung bashers. Pero yung depressed ko po na maraming nagsasabi na tanggalin daw nila yung account ko kasi ito po yung bread and butter ko, eh.
“Tapos, alam ko naman na sa content ng vlog ko kabulastugan, kabastusan o kalokohan, may namba-bash na sa akin dati pa. Tinanggap ko yun. Okay lang po sa akin yon.
“Kaya yung pamba-bash nila sa akin, okay lang po yon.Pero yung baka mawala yung ano ko, social media ko, yon lang po yung bread and butter ko, eh,” nag-aalala niyang pahayag.
Ano pa ba ang pangarap niya?
“Ang pangarap ko o wish ko lang talaga kay Lord is sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko yung mga nangyari that time,” deklara niya.
“Nagbabago naman na ako or iniiwasan ko na kahit papaano. Or as much as possible, kung marites man ako dito sa ano, wala na akong aapakan o sisirain na tao. Kahit sarili ko na lang sirain ko.
“Kasi, gusto ko happy ako sa vlogs ko, kasi yon yung happiness na binibigay ko sa ibang tao. Paano ako makapagbibigay ng happiness kung sa sarili ko, hindi ko mahanap yung happiness, kasi may bitibit ako.
“Sana nakita nila na nagbabago ako or iniisip ko na talagang nagsisisi ako doon sa ginawa ko. Sana mapagbigyan na nila ako. Hindi ko alam kung kailan pero sana one day,” bulalas ni Brenda.