AKALA NG IBANG hindi nakaranas sa “oblo” ay kinatatakutan ng mga kakosa ang bartolina at kolonya.
Mali! Wrong! Sayop!
Katunayan, ang mga estapador sa bilibid ay bukal sa loob na pumupunta sa officer of the day para hilingin na sila ay i-bartolina.
Dahil pagkatapos nilang maglinis ng buyon (CR) ay pahinga na.
At hindi pa maaaring resbakan ng pangkat na kanilang in-estafa!
Para sa kaalaman, ang bartolina ay isang ordinaryong brigada rin na ang kaibahan lang ay laging sarado kahit araw.
Hindi gaya ng ibang brigada na kung araw ay bukas at pasiwil-siwil ka lang, paikut-ikot ng malawak na compound kung saan maari kang mag-restaurant, magbasketball, magbilyar, mag-videoke at magtrabaho sa pabrika ng Samsung at Philco (pang-export ang mga kalandrakas o native crafts) na ang suweldo, kung masipag ka ay aabot naman ng P10 isang araw!
Lipat muna tayo, parekoy, sa kolonya.
Ilang araw pagkadating mo roon, maaari kang bumili ng “baton” na siya namang sideline ng ilang empleyado roon.
Ibig kong sabihin, sa halagang P5,000 ay magiging kabo ka na, na tagapagbantay sa mga ordinaryo at walang perang mga coloño!
Kung gusto mo, madali lang namang maghanap doon ng “tatay” magbigay ka ng “pakimkim” para VIP ka na.
Ibig sabihin, kung may pera ka ay maghapong gagala o mang-chicks (asawa’t anak ng ibang coloño na nagsa-sideline dahil sa gutom).
Kung drug lord ka naman ay maghapon kang mag-text at call!
Kaya tuloy ang ligaya!
Ngayon, Dir. Diokno, sino naman kaya ang nag-advice sa iyo na ‘yong mga utak d’yan sa Maximum ay doon ninyo i-padala sa mga kolonya?
Tandaan mo sir, walang pinagkaiba ang mga kolonya ng Iwahig (Palawan), San Ramon (Zamboanga), Abuyog (Leyte), Dapecol (Davao), Sablayan (Mindoro) at sa mga bilanggo na nagmamantine sa erya ng PMA sa Baguio City.
Tuluy-tuloy pa rin silang gigimik doon, magkakamal ng pera at posibleng magbayad ang kanilang “tatay” ng mga taga-Bukang-Liwayway para itumba ang mga hadlang sa kanilang pagyaman, he, he, he.
Kung gusto n’yo, alamin n’yo kung sino ang nagpayo sa inyo na ikolonya ‘yung mga drug-lord, magmuni-muni ka muna sir, baka mga tatay ‘yun!
Tiyak, sigurado at walang paltos na mananahimik ang mga lokong drug-lord sa Maximum kung hindi sila mako-kolonya, hindi pa gagastos ang Bureau at napa-kadali.
Ilipat lang sila d’yan sa katabi ng Maximum security compound, sa kaharap ng pinagbitayan kay Leo Echegaray.
Sa Brigada Katorse o kung tawagin ay building 14!
Kinatatakutan nila ‘yan, Dir. Diokno, dahil hindi kayang ilusot ang CP.
At lapnos muna ang dalaw bago makalusot!
Hak, hak, hak!
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303