BTS WORLD DOMINATION is real. ‘Yan ang katotohanan. Hindi na maikakaila na malakas ang puwersa ng Bangtan Sonyeondan / Bulletproof Boy Scouts o BTS dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nominado ang grupo sa prestigious GRAMMYs na pangarap ng lahat ng mga mang-aawit sa buong mundo.
Ilang taon na rin hinihiling ng grupo, partikular ang miyembrong si Suga na sana ay ma-nominate sila sa GRAMMYs. Nakakuha na sila ng mga awards mula sa iba’t ibang music award-giving bodies, pero ang GRAMMYs ang katangi-tanging mailap.
Ang kanilang first English single na ‘Dynamite‘ na nilabas noong Agosto ay nominado bilang Best Pop Duo/Performance. Kapwa nila nominado sina Justin Bieber at Quavo (Intentions); J Balvin, Dua Lipa, Bad Bunny & Tainy (Un Dia (One Day); Lady Gaga at Ariana Grande (Rain on Me) at Taylor Swift at Bon Iver (Exile).
Laking-tuwa ng mga miyembro ng grupo na sa wakas ay nominado na sila sa GRAMMYs. So, kinailangan lang ba kumanta ng Ingles ng grupo para sila ay manominate? Sa totoo lang, deserve din ng grupo na manominate ang kanilang album na ‘Map of the Soul: 7’ sa Album of the Year Category.
Sa January 31, 2021 ang Awarding Ceremony ng GRAMMYs. Kung maayos-ayos na ang covid-19 situation, siguradong hindi palalampasin ng grupo ang pagkakataon na maka-attend sila mismo sa USA. Malaking boost ito para sa mga Asian singers na madalas ay naiitsepuwera sa ganitong klaseng award-giving body kahit pa deserve nila ang recognitions.
Nilabas ng BTS ang kanilang latest album na ‘BE’ noong November 20 with the lead single ‘Life Goes On’. Congrats, BTS!