EXCITED NA ang mga Pinoy fans ng Global superstars na BTS sa kanilang 2-Day online concert na BTS Map of the Soul: ON:E na opisyal nang ilulunsad ngayong Sabado at Linggo (October 10 and 11) na mapapanood ng mga fans sa kanilang laptop, tablet, cellphone o Smart TV. Hindi lang basta-basta ang concert na ito, ha? Paid concert ito na talagang pinag-ipunan ng mga fans na kahit hindi posible na mapanood nila ang kanilang pitong idol ay magkakaroon naman sila ng bonggang concert experience o ‘home-cert’ sa loob ng kanilang tahanan.
Kung hindi nagkaroon ng global pandemic, noong Abril pa sana nag-umpisa ang Map of the Soul: 7 World Tour ng BTS. Iba’t ibang stadiums sa major cities ng mundo dapat magtatanghal ang grupo para na rin i-promote ang kanilang album na Map of the Soul: 7 na inilabas noong Pebrero. Ilan sa mga hit songs na mula sa album na ito ay ang ON, Black Swan, We are Bulletproof: The Eternal at marami pang iba. Kaabang-abang din ang mga solo songs ng mga miyembro na sa unang pagkakataon lang nila maitatanghal ang kanilang mga solo sa concert.
Para sa ibang Pinoy fans, magandang oportunidad din ito na mapanood nila sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook dahil 2017 pa nang huling magtanghal sa bansa ang grupo. Sa pamamagitan ng BTS Map of the Soul: ON:E concert ay may ‘front row seat’ sila sa concert. Ang bongga ng technology, ‘diba?
Noong Abril ay ipinalabas ng grupo sa pamamagitan ng kanilang official YouTube channel ang walo sa kanilang major concerts mula 2014 hanggang 2018. For the first time naman ay ginanap nila ang ‘BANG BANG CON: THE LIVE’ concert noong Hunyo para na rin siguro i-test kung effective ba ang online concert set-up, na ngayo’y alternatibo sa live concerts. Sa kanilang promo ay sinigurado ng Big Hit Entertainment na 8x more bongga ang set-up ng grupo lalo pa’t first time nila kakantahin ang karamihan ng nasa setlist. Winner!
Magkano ang ticket? $81 kung 2-Days ang iyong papanoorin at $44.55 kung isang araw lang ng concert ang iyong trip panoorin. Ang maganda dito, pwede ka makishare ng access sa isang kaibigan. Maghati na lang kayo, noh!
Kahit na may kamahalan ang ticket, siguradong sulit ito. Basta BTS, sulit ‘yan!
Sigurado kami na excited na rin ang mga certified BTS Army celebrities natin tulad nina Liza Soberano at Arci Munoz lalo pa’t birthday din ni Jimin ngayong October 13. Ano kaya ang magiging laman ng vlogs nila soon?
Mabibili ang tickets ng BTS Map of the Soul ON:E sa Weverse Shop app at mapapanood naman ang concert sa http://bts.kiswe.com. PAK!