WINNER SI Buboy Villar ng Achievement in Acting (Best Actor) sa Guam International Film Festival para sa pelikulang Kid Kulafu, pero hindi niya personal na nakuha ang tropeo.
“Ang pumunta po kasi do’n ay si Direk Paul (Soriano), hindi ko talaga akalain na mananalo ako. Kasi ang dami po talagang nagpasok ng entry, iba-ibang bansa.
“Hindi naman ako nag-expect, tapos bigla na lang nag-post sa Instagram ‘yung Guam na nanalo daw ako ng Achievement in Acting.”
Nasa sasakyan lang daw siya nang mag-chat sa kanya si Direk Paul from Guam para sabihin ang magandang balita.
“Nag-chat siya sa akin ng ‘congratulations, nanalo ka ng Achievement in Acting.’ So sabi ko, ‘ha, po?’” takatang-taka raw niyang reaksyon.
“Kasi po, para sa akin, okey lang na manalo ‘yung movie, kala ko pa nga joke, eh (laughs). Nakakatuwa po ,kasi first international acting award ko ‘to,” kuwento pa niya.
Samantala, part si Buboy ng pelikulang Angela Markado na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann na showing ngayong Dec. 2. The film is written and directed by Carlo J. Caparas.
La Boka
by Leo Bukas