Nakakatutuwang isipin na malayo na rin ang narating ng batang aktor na si Buboy Villar. Kung hundi ako nagkakamali, napanood ko siya noon sa mga teleserye sa Kapuso GMA 7.
Kung tama ang alaala ko, huli kong napanood si Buboy sa teleserye ni Marian Rivera na “Amaya” noong dalaga pa siya, yong karakter na isang “binukot” ang role ni Yan at si Buboy naman, isa sa mga karakter sa palabas na sa mga replays ko na lang napanonood sa GMA.
Si Buboy, matiyaga sa kanyang karir. Suwerte ang aktor dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.
Remember, his first lead movie na “Kid Kulafu” na kuwento ng early part ng buhay ni Manny Paquiao ay isa sa mga pelikulang Pinoy na pinag-usapan overseas.
Ang pelikula ay isinali sa Guam International Film Festival at nagbigay sa kanya ng isang acting award bilang “Best Actor” para sa ginampanan niyang karakter sa pelikulang dinirek ni Paul Soriano.
Biro nga namin sa kanya nang ma-meet namin siya sa presscon ng Angela Markado ni Direk Carlo J. Caparas, after winning another acting award for his performance, itataas na naman niya ulit ang kanyang talent fee?
Sabi ng aktor sa amin, “Siguro pero hindi po ngayon. Ang sistema po kasi, kung nanalo ka this year, next year ka pa puwedeng mag-increase ng talent fee mo,” paliwanag ni Buboy.
With his Pinoy na Pinoy looks (na for sure hindi niya fans ang mga supporters ng Gimme 5), masaya na rin siya dahil nagkakabunga ang pagtitiyaga niya. Sa katunayan, ang dami niyang indie films na ginagawa na hindi lang napapansin ng mainstream moviegoers dahil sa limited exposures sa mga sinehan.
Sa pagtatapos ng taong 2015, ang daming gusto pasalamatan ni Buboy na tumutulong sa kanyang career.
“Ang manager ko po. Ang mga producers at director na nagtitiwala sa akin,” sabi niya.
Sa huling hirit ng 2015, heto’t humabol pa ang isang product endorsement ng binatilyo na nakatutulong para maging isang “mala-adonis” ang mura niyang katawan.
“Thankful ako kay Atty. Freddie Villamor at ang kanyang UPMI company na tumutulong sa akin,” kuwento ni Buboy. Tulad ni Atty. Freddie na nagsumikap para maabot ang pangarap sa buhay, si Buboy, ginawang inspirasyon ang buhay ng dating kontroberiyal na abogado ni Janet Napoles para kahit anong sagabal at hadlang ay hindi makapagpapahinto sa kanya para maabot ang minimithing pangarap.
Reyted K
By RK VillaCorta