MAY RAP MUSIC pa pala. Kaya nga nang malaman ko na ang rap artist na si Khen Magat ay seryoso na buhayin muli ang klase ng musika or genre na pinasikat nina Francis Magalona at Andrew E ay natuwa ako.
Mayroon ilan kasi na mga local rapper(s) na gusto ko ang kanta at performances nila. Ang grupong Salbakuta, gusto ko na if I’m not mistaken was the last rap group na nasa kamalayan ko. Kaya nakakatuwa na ang businessman-artist na si Khen ay may adhikain na muli ipakilala ang klase ng musika niya sa publiko na malinis, may mensahe at positibo. Image kasi ng rap ay tipong nagda-drugs. Mga galit sa mundo. Mga user, may mga tao na natatakot ka sa kanila.
Feeling ko nga, di sila naliligo at always lasing or kargado ng alcohol. Sa recent launch ng A Team Music Management headed by Khen ay ipinakilala ang ilan na mga artists niya like ang batang si Aaliyah at ang 15 years old na si Margarette Shane Moreno Joves na may professional name na Shane. Gusto ang istilo at talent ni Shane. Para siyang international singer na si Rihanna.
Sa pamumuno at pagiging disciplinarian ni Khen sa mga talents niya, first and formost rule niya ay No Drugs. Bawal ang droga if you want to be part of his management.
Panigurado ni Khen: “With the artists that we are promoting and pushing now, sigurado naman kami sa musikang maririnig nila sa different social media platforms na may kabuluhan at magiging inspirado ang mga kabataang makaririnig sa musika hindi lang nina Shane at Aaliyah kundi ng marami pa.”
Personally, I like Gusto Kong Mag-Rap at Wag Ako na available na sa iba’t ibang music platform told ng Spotify at Deezer.
Reyted K
By RK Villacorta