Buhay-Marino

KAKAIBA PO ANG buhay naming mga marino. Matagal na kami ay nasa laot at matagal na ‘di bumababa ng barko. Kamakailan ay nag-claim ng overtime pay ang mga kasamahan ko dahil anila’y lagi naman silang nasa barko at marapat lamang na bayaran ang inilalagi nila roon, may trabaho man o wala habang nasa barko. Okey lang po ba ang hinihiling nila?— Gino ng Cavite City

MAKATATANGGAP LANG SILA ng overtime pay para sa mga oras na AKTUWAL silang nagtrabaho. Ang suweldo ay para sa ipinagserbisyo. Kaya kung ang isang marino ay nasa barko lang at wala namang ginagawa, ‘di siya makakakuha ng overtime pay para sa panahong inilagi niya roon nang ‘di nagtatrabaho.

KASASAMPA KO LANG ng barko nang pulungin kami ng kapitan. At doo’y sinabi niya na kasama sa aming kontrata ay ang tinatawag niyang “unwritten contract” o ‘di nasusulat na kasun-duan. Kabilang po rito ay ang paglilihim sa anumang nakikita o naoobserbahan naming kaganapan sa barko. Kung meron man daw kaming nakikitang illegal sa loob, hindi raw kami dapat magsumbong sa mga awtoridad kundi dapat ay sabihin muna sa kanya. Tama po ba ito?—Lester ng Zamboanga City

OKEY LANG ITO kung ang ibig niyang sabihin ay pa-sabihan muna ang kapitan bago tuwirang magsumbong sa mga awtoridad. Pero hindi dapat pigilan ang sinuman na magreklamo hinggil sa mga bagay na alam niyang labag sa batas. ‘Di kinikilala ng batas saan man ang ganitong mga “unwritten contract”, lalo pa’t labag ito sa batas.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected]

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleMay sira ang ulo!
Next articleLesson sa 3 OFWs na binitay sa China

No posts to display