Kamakailan lang ay nag-ayos ako ng aking mga lumang gamit and I found an old, tattered but interesting komiks. Kung tutuusin, maituturing na itong isang collector’s item dahil wala ka nang makikitang ibinebentang komiks sa mga newspaper stands ngayon.
Seeing this old komiks, naalala ko tuloy iyong mga ipinarerentang mga komiks sa sari-sari store ni Aling Maring sa aming bayan sa Borongan, Eastern Samar. Araw-araw kasi ay laging puno ang dalawang mahahabang bangko sa harapan ng tindahan dahil bata man o matanda, babae man o lalaki ay nagbabasa ng komiks. Hindi mo sila maistorbo at makikita mo sa kanilang mukha ang sari-saring emosyon ng bawat karakter sa kanilang binabasang komiks.
Mapa-drama, action, fantasy, love story at horror na komiks ay tiyak na matatagpuan sa tindahan ni Aling Maring. If you want drama, there were Pilipino Komiks at Tagalog Klasiks; kung gusto mong kiligin at ma-in-love, nand’yan ang Lovelife at Beloved; if you want to be horrified, puwede mong basahin ang True Horror, True Ghost, Shocker, Halimaw at Hiwaga Komiks. Kung hindi ka na makapaghihintay pa sa mga susunod na pangyayari, the store had Wakasan Komiks. Sa konting barya lang, ang bawat pahina at bawat kabanata ay naghahatid ng saya sa mga taong pagod at gustong magpalipas-oras.
Our own komiks history is ripe with rich and interesting stories that range from the humorous to earth-shaking. During olden days, we looked forward to the next issue, kung ano ang kahihinatnan ng love story nina Dyesebel at Fredo, kung ano ang kagila-gilalas na adventures nina Flash Bomba, Tiny Tony, Kapitan Boom at Dragonna.
One of the milestones in the komiks history was the character of Roberta who was an instant hit among the readers. Child star Tessie Agana became a household name when the komiks novel was filmed by Sampaguita Pictures. Pumatok nang husto ang Roberta sa takilya and Sampaguita Pictures was able to rebuild its studios which were damaged by a huge fire several months back.
Nawala man sa sirkulasyon ang komiks ay nandyan pa rin ang mga minahal nating karakter at sila ay nananatiling buhay sa ating alaala. Sino ang makalilimot kina Darna, Dyesebel, Captain Barbell, Lastikman, Bondying, Varga, Maruja, Mariposa, Roberta, Flash Bomba, Tiny Tony, Kapitan Boom at Dragonna na magpahanggang ngayon ang ilan sa kanila ay sinusundan pa rin natin ang mga adventures sa telebisyon at pelikula?
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda