Buhay ni Hubert Webb, gagawan ng pelikula

PINANININDIGAN TALAGA NG TV host-comedian na si Ariel Villasanta ang pangako niyang paulit-ulit na pakakasalan ang napangasawang celebrity businesswoman na si Cristina Decena. After their wedding sa Hong Kong late part of last year, muli na naman nga silang ikinasal kamakailan sa Thailand.

Simpleng kasalan lang daw naman ang naganap sa Thailand na sinaksihan ng mga anak ni Cristina na nakasama nila nang magtungo roon. Pero masaya raw silang lahat sa nasabing memorable na okasyon. “Naka-wedding gown pa ako! Simpleng wedding gown lang naman. Tapos ang naging bridal car namin, ‘yong Tuk Tuk (parang tricycle sa Thailand).”

Nakaplano na raw ang susunod na mga venue ng kanilang iba pang weddings which will happen every month for the whole year.

“Sa Ukraine kami sunod na magpapakasal.  Tapos sa France .  Then sa Las vegas sa U.S. 12 months ‘yong isang buong taon, ‘di ba? So, 12 countries din ‘yong pupuntahan namin kung saan kami magpapakasal.”

Biro namin kay Cristina, masyadong magastos ‘yong 12 weddings na kukumpletuhin nila sa 12 countries around the world! “May budget naman kami for that!” biro niya. “At saka hilig ko kasi talaga ang mag-travel. “Hindi lang naman solo ko ang gastos, ‘no? Share kami ni Ariel. May pera rin naman siya.”

Sa mga hindi nakakaalam, bukod sa pagiging co-host ni Ma-verick sa TotooTV na napapanood sa TV5, may mga iba pang trabaho at raket si Ariel.

May mataas na posisyon siya sa PLDT. At in-demand din siya na mag-host sa mga corporate events at iba pang mga product launch. Kaya kung income din lang nga raw ang pag-uusapan, malaki rin ang kinikita nito.

Matagumpay at lalo pang lumalago ang mga negosyong pinasok niya mula sa kanyang pag-aaring eskuwelahan, ang kanyang Rural Bank of Norzagaray, hanggang sa real estate business niya’t pagbi-build and sell ng mga bahay, town houses, at mga condominium. Pinasok na rin niya ang pagpu-produce ng TV show at pati movie production ay plano na rin niyang subukan.

“Kasi host at artista si Ariel. So ‘yong bagong reality show niya sa QTV-11, nagdecide akong i-finance. Launch na ng show niyang iyon sa February. At positive naman kami na magki-klik.

“Yong pagpu-produce naman ng pelikula, wala rin namang masama kung subukan ko, ‘di ba? Pero siguro, magsisimula muna kami sa digital film.”

Kung saka-sakali na matuloy na ang pagiging movie producer niya, may chance kayang kunin din niya ang serbisyo ng ex niyang si Phillip Salvador since magaling namang aktor ito?

“Hindi na siguro. Kasi… although naka-move on na ako, napatawad ko na siya sa kung anumang hindi magandang nagawa niya sa akin, palagay ko mas maganda na huwag na lang. Baka pagmulan pa ng mga bagong intriga. Eh tahimik na ako at masaya na sa buhay ko ngayon,” ending na nasabi ni Cristina.

Ganyan?

NASABI SA AMIN ni dating Senador Freddie Webb, may mga kumakausap daw sa kanila ngayon na interesadong isapelikula ang kuwento ng anak niyang si Hubert Webb na naging prime suspect sa Vizconde Massacre pero after 15 years nga ng pagkakakulong ay na-acquit. Kabilang na nga raw ang nobelista at direktor na si Carlo Caparas na siyang nag-produce, sumulat, nagdirek ng pelikulang Vizconde Massacre na pinagbidahan noon ni Kris Aquino.

Ani Tito Freddie, wala naman daw siyang naging sama ng loob kay Carlo kung isinapelikula man nito ang Vizconde Massacre. Dahil sa pelikula ay hindi naman daw tinukoy na si Hubert at ang mga iba pang kasama nitong naging suspek din ang mga salarin. May iba pa kasing naging suspect dito gaya ng grupo ng mga construction workers.

Hindi pa raw nila napag-uusapan ni Hubert ang tungkol sa alok na isapelikula nga ang buhay ng huli. Kung si Tito Freddie raw ang tatanungin, mas gusto niyang mauna muna ang paglalabas ng isang libro tungkol sa pinakamabigat na pagsubok na pinagdaanan hindi lang ni Hubert kundi ng buong pa-milya niya.

“Imagine, for the past 15 years, kada linggo ay bumibisita sa kulungan ang buong pamilya namin,” aniya. “Linggo-linggo rin akong nagtatanong, ‘Lord, babalik pa ba ulit kami dito next Sunday?’ Kasi, umaasa kami na mapapawalang-sala siya.  Dahil talagang wala naman siyang kinalaman sa nangyaring krimen dahil nasa Amerika siya.”

Finally, masaya sila na lu-mabas din nga raw ang katotohanan na walang kasalanan si Hubert. Pero hindi na umano mabubura nito ang hirap at sakit ng kaloobang dinanas nila sa loob ng 15 years na pagkakakulong nito.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleShalala, nakipag-ayos kina Zoren at Carmina
Next articleJewel Mische, kinaiinisan ng mga young actress sa Dos?

No posts to display