Ang musical film na Yorme: The Isko Domagso Story ang unang Pinoy movie na ipalalabas nationwide matapos muling magbukas ang mga sinehan noong Nov. 10.
Ipapalabas ang Yorme sa December 1, dalawang taon pagkatapos magsara ng mga sinehan dahil sa pandemya.
“Ako, optimistic kasi ako, eh. Actually, malaking challenge. Dahil lalabas yung mga Marvel, yung foreign films, hindi ko tatalunin yun. Eh, ako naman, alam ko kung saan ang kahinaan ko, o kung saan naman ako puwede na mag-excel.
“Malakas yon, yung mga pelikulang yon, yung mga Marvel. Pero more than… whether it’s going to be number 1 or it’s going to be number 2, who’s going to be watched, ‘no? “It is the industry that I’m after. Na yung industriya ng showbiz, makakapag-produce na muli ng pelikula, makapag-generate ng negosyo, makapag-generate ng trabaho,” paliwanag ni Manila Mayor Isko Moreno sa ginanap na face to face presscon ng kanyang biofilm noong Nov. 26.
Dagdag pa ng alkalde, “Unti-unti na ring bubuka yung movie industry greatly hurt by the pandemic. So, if this will be the first, I’m honored to open the opportunity for local producers to take the risk, and venture into it again.
“And that will generate jobs and opportunity to my fellow showbiz… alam naman natin, maraming nawalan ng trabaho sa showbiz, yung mga artista. Eh, yung sa likod ng kamera, mas malaki yon. Mas marami yon.
“So, while it’s true na malakas yung mga Marvel, pero I think, it’s high time, sa ating mga kababayan na suportahan natin yung atin. Hindi dahil yung Yorme, kundi dahil yung industriya itself, the Philippine movie industry. Yon yung susuportahan natin.”
Ano ba ang mensaheng nais ibahagi ng “Yorme: The Isko Domagoso Story” sa mga kabataan?
Sagot ni Isko, “Ito ang tunay na buhay. Hindi lang buhay ni Isko. Ito ang buhay natin, ng nakararami sa atin. This is the reality. Yes, while it is true that we enjoy doing TikTok, doing YouTube, doing Facebook, okay yan. Okay lang ‘yan.
“At least, kahit paano, may outlet tayo. Pero ito yung… let’s rethink. Saan ako dadalhin ng kinabukasan ko? Ano ang naghihintay sa kinabukasan?
“Kasi, kapag napanood nila, mari-realize nila, ‘Ay! Salamat sa nanay ko, salamat sa tatay ko, hindi ko inabot yung kalagayan ni Isko nu’ng araw.’ So, with this picture, with this movie, maiisip nila, masuwerte pa pala sila sa magulang. Kahit sila ay mahirap, hindi pa sila umabot na kumain ng tira ng tao. Hindi pa sila naging basurero.
“So, kids seeing this, pag napanood ito ng mga bata, hopefully ma-realize nila how they should be grateful to their parents, how they should be grateful of what they have. Kung ano man ang meron tayo ngayon, na pwede pa rin nating ipagpasalamat sa Diyos, ipagpasalamat sa mga magulang natin.
“Dahil ang buhay ko na ito, if I may borrow that word, the title of that movie, ‘Mission: Impossible’. Near to impossible. But it did happen. And now, can you imagine, basurero, naging meyor ng Maynila. Basurero, posible na maging Presidente rin ng bansa.
“So, that kind of opportunity sa mga bata ngayon, while they enjoy social media, they enjoy creating contents para makilala sila, ma-exercise nila yung talent nila, yung skills nila, there is real world around us. And I hope it can make a dent sa buhay nila pag napanood nila yung movie.”
Ang Yorme na prinodyus ng Saranggola Media Productions and distributed by Viva Films ay mula sa direksyon ni Joven Tan na siya ring sumulat ng 15 original songs sa pelikula. Si Xian Lim ang gaganap na Mayor Yorme habang si McCoy de Leon ang teenagerat si Raikko Mateo naman ang batang Isko.