Bukang-liwayway

SA LOOB NG Bilibid sa Muntinlupa City ay may apat na security compound.

Maliban ‘yan sa Building 14, kung saan inilalagay ang mga bilanggo na kinakailangang bantayan, suriin at higpitang mabuti.

Matatagpuan ito sa katabi ng maximum, sa harap ng pinagbitayan kay Leo Echegaray.

Mayroon ding isa pang pasilyo kung saan inilalagay naman ang mga tulig.

Ngunit sa normal na kalakaran, ang apat na compound ay ang Reception and Diagnostic Center o RDC, Medium security compound, Maximum security compound at Minimum security compound.

Ang lahat ng bagong dating sa Bilibid parekoy ay tatlong buwan mananatili sa RDC na tinatawag ding “kwarentinas.”

Maliban kung magiging “orderly” o may papel na ginagampanan ang katulong ng mga empleyado, pagkaraan ng tatlong buwan ay iti-T.O. ang isang bi-langgo, depende sa kanyang hatol na binubuno.

Ang habambuhay, parole violator at with record of escape ay doon ang destino sa Maximum.

Ang iba ay doon na sa Medium security compound na katabi mismo ng RDC.

Mula naman sa Medium at sa Maximum, ang may kaunting sentensya na lang, lalo na kung nasa 70 anyos na, ay pinahihintulutan nang ilipat sa Minimum security compound.

Lalo na kung may padulas. Ehek!

Pero hindi totoo na mga matatanda lang ang nasa Minimum, napakaraming matitikas pa ang naririyan!

Sila ‘yung pagkatapos ng tarima (counting) sa madaling-araw ay mabilis makapagpalit ng damit, sasakay ng tricycle at presto!

Kapiling na natin sa pagliliwaliw rito sa Metro Manila!

O kaya ay ginagampanan na ang mga ipinatatrabaho sa kanila rito sa Maynila o mga karatig-lalawigan.

Kung sa tantiya ay aabutin ng gabi ang trabaho, si tatay (protector na empleyado) at kulturero (sekretaryo ng pangkat) ang magkikindatan niyan.

Tutal may kahati rin sila!

Ngayon, alam n’yo na kung bakit simpleng nakakalabas si Tony Leviste?

Marami pa ‘yan sila!

Oo nga pala, parekoy, bakit ang pamagat natin ay Bukang-Liwayway?

Sa susunod na lang! Hak, hak, hak!

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articlePasaway na mga pulis
Next articleKakaibang “giyera” sa Kuwait

No posts to display