Bukang-liwayway (2)

KUNG KAKAUNTI NA lang ang sentensyang binubuno, lalo na kung lagpas 70-anyos na, kaya naman pinapahintulutan ang isang bilanggo na ilipat sa Minimum security compound.

‘Ika nga eh, “silip-laya” na o malapit na nilang makamit ang inaasam na kalayaan.

Kaya ang Minimum security compound ay tinatawag rin na Bukang-liwayway!

Tinatawag din ito na DEPO, ibig sabihin, dito naka-deposito ang mga palaya na!

Sa totoo lang, parekoy, kalahating preso, kalahating laya ang tawag sa kanila.

Kahit samahan tayo ni Sec. Leila De Lima, ipakikita natin, parekoy, ang katotohanan na ang isang bilanggo sa Bukang-liwayway ay makalalabas ng Bilibid anumang oras niya gugustuhin!

Hindi ‘yung sinasabi nila na ang mga VIP lang daw ang makakagawa nito.

Katunayan, kung may 30 pesos lang ang isang bilanggo ay makakarating na sa kabayanan ng Muntinlupa!

Sa totoo lang, kaya ayaw umuwi ng iba dahil gusto ni-lang lumaya nang malinis ang papel.

Dahil kung mga isang taon na nga lang naman o dalawa ang hinihintay mo, aba eh, bakit mo sasayangin ang napakahabang panahon nang ipinangulungan mo?

At kung mahuli ka nga naman ng “recovery team” ng Bilibid, kung hindi patay ay balik Maximum ka.

At hindi na qualified sa executive cle-mency o parole.

Sa malawak na lupaing sakop ng Bukang-liwayway ay may mga kubo, parekoy, ang maraming bilanggo.

Na doon na rin nakatira ang kanilang pamilya.

Ang ibang pamilya naman ng bilanggo ay nangungupahan sa mga bahay-paupahan ng napakaraming empleyado.

At para sa kaalaman ni Sec. De Lima, doon nakaimbak ang mga kalakal!

Ang operasyon? Cellphone lang ang hawak ng mga drug lord na nakakulong sa Maximum.

Tatawagan si dealer at tatawagan si Depo, presto! Nasa Bilibid na ang droga!

Gayundin, tatawagan ni drug lord si buyer at tatawagan si Depo, alam na kung ilang bulto ang ibibigay!

Sandali lang madam Sec. De Lima, marami pa ‘yan!

Ano ang protection ko? Hak, hak, hak!

INAANYAYAHAN KO PO KAYO na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected]  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleOn leave with her soap opera: Amy Austria was confined in a hospital
Next articleJourney to meaningful life

No posts to display