SABI NAMIN SA photographer ng mga kaganapan sa mga comedy bars na sing-along host na si Arnell Tamayo – dahil nakakaintriga ang mga recent pics na na-seize niya sa Zirkoh noong January 11 – ise-share namin sa readers at kayo na lang ang mag-iisip at maglalagay ng ibig sabihin kung playtime o isang paraan ba ng pang-aasar o wala lang ang mga na-capture na poses at moments nina Ai-Ai delas Alas at ang director na si GB Sampedro.
Sabi kasi namin, nang makita namin ang mga pictures nila na inilagay sa Facebook for everyone to see – mukhang bagay naman sila.
That night pala, kumbaga eh, parang ini-launch ang book ng isang kaibigang Pastor (ba?) ni Ai Ai, ang “Laugh with God Today” (Kagalakang Nagbibigay Buhay-Unang Ihip ni Bro. Michael Angelo Lobrin), at sa mga pictures na kuha ni Arnell nga, meron pa itong autograph signing and picture taking din.
Pero mas naging interesado kami sa mga pictures nina Ai-Ai at Direk GB, kung saan nakapagkomento pa nga ang best friend director ni Ai-Ai na si Direk Wenn na kaya naman pala raw nang makasalubong niya si Candy Pangilinan (ex ni Direk GB) eh, nag-breakdown daw ito. We took that as a joke, pero sa isang banda puwede ring totoo since, hindi pa naman katagalan nang naghihiwalay ang dalawa.
Game naman sa pag-pose nila sa camera ni Arnell sina Ai-Ai at Direk GB. Kaya, kayo ang humusga. Kung sa sinasabing biru-biruan lang at scripted na mga poses eh, may ibang level na marating ang nasabing pagkikita-kita at pagsasama-sama. Sa mga ganito nga madalas magsi-mula ang isang kabanatang involved ang puso, ‘di ba? Lalo pa at pareho na silang ‘single’ and available sa mga sandaling ito.
May nag-komento nga sa FB: Ang tamis-tamis naman ni ‘Nay Ai at ni GB, parang matamis na CANDY!
Laugh kete laugh sila sa mga komento. Kahit sabihing ito eh, biru-biruan o laru-laro lang, ang katotohanan, maski hindi aminin, may isang babaeng nasasaktan!
Ano sa tingin n’yo?
Malamang nakuha nila ang sagot sa pagbasa nila ng book ni Bro. Mike (na may foreword from Bro. Bo Sanchez, na paboritong basahin ni Ai Ai).
The Pillar
by Pilar Mateo