KATULAD ng Pinoy super hero na si Darna ay gumawa din ng paraan si Jane de Leon para kahit papaano ay makatulong sa ilang mga kababayan niya sa Cainta, Rizal nung panahon ng ECQ dahil sa covid-19 pandemic. Nagsagawa si Jane ng relief operation para sa kanyang komunidad, na na-extend pa sa ibang lugar tulad ng Caloocan, San Pedro, Laguna at iba pa.
“Naku, napakaliit na bagay lang po nung ginawa ko,” tila nahihiya pa niyang pahayag.
“Yon lang din po kasi ang kaya ko sa ngayon, pero masaya po ako na nakapag-share ako sa kanila kahit konti lang. Pagpasensyahan na po nila. He-he-he,” sambit ulit niya in very humble manner.
“My passion to help started years ago pa po when I was much younger pa, lalo na pagdating sa mga street children na nakikita ko kapag nasa labas kami ni Mama noon. We gave them food para may makain sila. This might be because galing din po ako sa hirap kaya ramdam ko po sila,” patuloy na kuwento ni Jane na gumaganap ngayon bilang bagong Darna ng sineng lokal.
Habang naka-quarantine ay marami ring naging realizations si Jane at ibinahagi niya sa amin ang mga ito.
“Actually, marami po akong realizations sa nangyayari ngayon. I learned to really value more of my time with my family and appreciate more yung presence nila sa buhay ko — kasama na ang mga pets ko po. I value time for myself wherein mas nabigyan ko po ng pansin at pagmamahal ang sarili ko.
“Ginagamit ko rin po yung time na ito in honing my skills din and apply it sa bahay. At yung personal relationship ko rin with God na nag-inspire pa po sa akin nang husto to be really grateful and appreciative of all the things around me because it always reminds me of God’s unconditional love,” kuwento ng dalaga.
Naikuwento rin ni Jane sa amin kung paano niya pinalipas ang ECQ at kung ano ang pinagkaabalahan niya para hindi mabagot.
Ani Jane, “I just really have to bear with the boredom that I feel sometimes. Though I have a daily workout routine, I also cooked, do some singing, mostly play games and kwentuhan with my family, busy repacking relief goods lalo po nung early weeks ng quarantine until lately, at nag zoom party with my fans and supporters po.
“Ang nakakatuwa, nagkaroon ako ng time sa pagluluto. Yes po, yung pagluluto na di ko rin po in-expect na mas ma-hone ko pa nang husto by cooking different recipes na puro first time ko lang din ginawa.
“So far, I was able to prepare and cook 7 recipes po this quarantine like Lumpiang Shanghai, Pesto, Gambas, Chili Tofu, Paella, and Pandesal po. There was this one that I don’t have a name kasi experiment lang din. Ha-ha-ha!”
May mga ginawa din daw siyang Tiktok compilations pero hindi pa niya ito inilalabas.
“I do watch and admire those Tiktokers na nakikita ko on social media, and I would admit na meron din naman po akong mga Tiktok compilation that I just kept po. It’s just that, hindi lang po ako active sa ngayon pero soon po I will be visible na rin dahil nabigyan na po ako ng go signal to do it again,” huling pahayag ni Jane sa amin.