KUNG INAAKALA NG marami that Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses seems unbending, mismong ang legal counsel niyang si Atty. Lorna Kapunan ang nagsabi na willing naman pala itong makipagkasundo sa kanyang ex-girlfriend na si Aiko Melendez.
If true, then Patrick earns the respect, not just of Aiko’s supporters but also of the general public that believes in sobriety under the worst of circumstances. Lalo’t ang katuwiran ni Atty. Kapunan, personal naman talaga ang isyung namamagitan sa dalawang ex-sweethearts that needs no outside intervention.
Kung ganu’n, mababalitaan din kaya natin in the next few days na iuurong na rin ni Patrick ang kanyang libel case against Aiko? Well, we can only keep our fingers crossed.
MAGING SA KANYANG personal choice to breathe life into her character on TV, consistent si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta sa kanyang leanings towards TV5, and why not?
Kung saka-sakali raw sa isasalin sa teleplay ang kanyang buhay, napipisil ni Atty. Acosta si Alice Dixson na gumanap bilang siya. As we all know, ang dramaserye ni Alice ay ipinalalabas sa TV5, ang Babaeng Hampaslupa. Pero marahil, skin tone lang ang pinagbasehan ng PAO Chief as their similarity, not necessarily on the life of a “hampaslupa”.
No doubt, the lady lawyer appointed to her current post since 2001 is TV5’s top honcho Manny V. Pangilinan’s apple of the eye. Tulad ni MVP, Atty. Acosta is a self-made person who rose above poverty in her native Cabcaben in Mariveles, Bataan.
At tulad ng kaibigang Ogie Diaz, naglako rin ang abogada ng bananacue. Having been exposed to a life of hardships, hindi naging sagabal ang kahirapan para hindi pagbutihin ni Atty. Acosta ang kanyang pag-aaral. Valedictorian lang naman siya sa elementarya at hayskul, who graduated cum laude from the University of the East and pursued her law studies at the Ateneo de Manila University.
Her string of academic accomplishments did not stop there. Ikaapat si Atty. Acosta sa bar exams, a feat which is quite tough to duplicate.
Ang tanong ng maraming press treated—not to the presscon held at her office at the DOJ—but to a seminar on the ethics of journalism (which we found both refreshing and enlightening): may “hidden agenda” ba ang abogada?
Paghahanda ba ‘yon sa kanyang elective position, say, in the Senate come 2013 elections? Despite repeated inquiries, however, isang mala-beauty contest ang sagot ni Atty. Acosta sa tanong if she’s gearing up for a political plan ahead.
“Kung saan ako dalhin ng Panginoon… naniniwala kasi ako sa destiny,” sey ng dati rin palang preacher.
TATLONG EKSPLOSIBONG PROGRAMA ang pinasabog ng TV5 nitong Sabado, its way of going with the festive flow this merry month of May.
Unang hatid ng Kapatid Network ang TV version ng pelikulang Bagets noong dekada otsenta that saw the rise to stardom of Aga Muhlach, Raymond Lauchengco, JC Bonnin, William Martinez and Herbert Bautista, this time helmed by Mark Reyes.
Inihapay sa makabagong panahon ng electronic age ang mga situwasyong kinapapalooban ng mga homegrown artists ng TV5 who play students from various walks of life.
Samantala, mula sa matagumpay na Magic Gimik ay pinagsasamahang muli nina Kean Cipriano at Empoy Marquez ang bagong magic show na Magic Bagsik. Based on a hit show in the US na Criss Angel Mind Freak, world-class Pinoy magicians share the spotlight with the famous American illusionist.
At para naman sa mga nangangarap na maging milyonaryo, Vic Sotto is back via the new season of Who Wants To Be A Millionaire, kung saan P2 million ang up for grabs to the contestant with the widest stock know-ledge sa tulong ng dalawang bagong lifelines.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III