ANG TINAWAG na “road rage” incident involving Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses’s security escorts and a UP professor last October 27 ay isang maliwanag na halimbawa ng “langaw na nakatuntong sa kalabaw”.
Pagmamalabis sa itinakda nilang tungkulin ang ipinamalas ng mga tauhang sakay ng silver Innova at puting Land Cruiser, one of whom dared to poke a gun at the vehicle of Prof. Elizabeth Pangalangan carrying her family and children, nang magkaengkuwentro sila sa Congressional Ave. Extension.
The two vehicles were traced to the mayor’s mom Priscilla na itinangging nasa isa sa mga sasakyan ang anak, na aniya’y nasa town hall nang maganap ang insidente. Neither was she aboard one of the vehicles.
Ikinatuwiran ni Mrs. Meneses na on a “personal errand” ang lakad ng mga security escort na ‘yon.
Ipagpalagay na nating totoo ang depensa ng ina ni Patrick, would Prof. Pangalangan’s alleged disruption of the convoy warrant an armed man para bumaba ito sa sasakyan at pagmumurahin ang umano’y humara-hara sa kanilang daan?
Personal pala ang lakad na ‘yon, bakit kailangang may convoy?
Naging masigasig ang Startalk through its field reporter Baby Briones para hingan ng panig ang propesora. The pursuit wasn’t easy.
Dahil wala raw sumasagot sa trunkline ng UP, minabuti ni Baby na magsadya na lang sa pamantasan noong Huwebes. She was directed to Malcolm Hall, kaso, may klase ang misis ng publisher ng Inquirer. It wasn’t until the following day when Baby finally met up with the professor, also the director of the Institute of Human Rights.
Isa lang ang mahinahon at edukadang pakiusap ng ginang: huwag sanang sahugan ng showbiz ang kanyang interbyu, who wouldn’t want to see herself trading statements with Ara Mina, Patrick’s girlfriend. At bilang mula sa academe and a lawyer, ayaw niyang pagsabungin sila ng kung sinuman sa kampo ng mga Meneses.
Baby was almost done with her assignment after obtaining a copy of the professor’s complaint filed with the Camp Karingal.
Sa bandang huli, simple lang ang hinihingi ng naagrabyadong propesora: anu-ano ang mga pangalan ng security escorts na dapat papanagutin sa inihain nilang reklamo na mula sana sa kampo ng mga Meneses? No more, no less.
Let’s face it, the incident has tarnished Patrick’s image. Kadalasan, mabait nga ang amo, kung salbahe naman ang pinasusuwelduhan, it’s the boss who gets the flak… flangak!
WHAT AWAITS the loyal viewers of Ismol Family this Sunday?
Kayod-marino si Jingo dahil lumalaki na ang tiyan ni Majay, he needs to raise for his wife’s panganganak. Nakakita si Jingo how to achieve it: nakisali na rin siya kina Lance, Mama A at ni Bobong na tumaya sa lotto.
Ang tanong: ito kaya ang maging kasagutan sa dasal ni Jingo na hindi naman isang sugarol?
Dahil alam ni Majay ang pinagdadaanan ni Jingo, pati siya ay nag-isip kung paano makakatulong sa asawa. Majay and Natalia set up a small business, but will it turn out to be successful?
At hindi lang ‘yan ang dapat abangan dahil may bonus pang magaganap sa dalawang bading na sina Ernie at Bernie. Mukhang may mabubuong malaswang kaganapan, na mukhang magbabadya ng end of the world
Sa Koopad, tuluy-tuloy pa rin ang nakakakilig na love story nina Yumi at Ethan a la Romeo and Juliet.
Fully loaded ang episode na ito ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.
Meanwhile, the November issue cover of Chalk Magazine features Ismol Family’s Bianca Umali and Miguel Tanfelix.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III