DAHIL SA sobrang subsob sa kanyang panunungkulan bilang vice governor ng Bulucan, hindi na nagagawa ni Daniel Fernando na tumanggap ng movie o kahit TV project. Madalang na raw siya kung tumanggap ng movie at TV project, dahil kulang ang oras at araw niya sa paglilingkod sa mga constituent sa Bulacan.
Would you believe na inaabot ng madaling-araw si Vice Gov sa kanyang opisina dahil sa dami ng mga taong humihingi ng tulong? Kung gugustuhin lang ni Vice Gov, puwede siyang umalis sa opisina nang mas maaga, pero ‘di niya magawang iwanan ang libu-libong tao naghihintay sa labas ng opisina na umaasang mabibigyan ng lunas ang kanilang problema.
Nasaksihan namin ang dagsa ng taong nagpupunta sa opisina ni Vice Gov. Daniel para humingi ng tulong. Vice Gov. Daniel make sure naman na lahat ng mga tao ay makausap niya nang isa-isa at alamin kung ano ang kanilang problema, kaya ayun, inaabot siya at kanyang mga staff ng madaling-araw sa Kapitolyo ng Bulacan. Kahit pagod, bakas naman sa mukha ni Vice Gov ang kasiyahan dahil nakatulong siya sa mga mamamayan ng Bulacan.
Pero may kasabihan na kahit anong mangyari, kapag ikaw ay isang actor, hindi ito basta maiiwaksi or makalilimutan. Kaya naman kahit paminsan-minsan, hindi mahindihan ang offer ng isang network para kunin ang kanyang serbisyo as an actor.
“Minsan kasi talagang hindi ko mahindihan ang offer, lalo na kapag maganda ang istorya ng project. Pero I make sure na hindi maaapektuhan ang panunungkulan ko bilang vice governor ng Bulacan,” say ni Daniel na hindi nagbago ang kamachohan at itsurang baby face.
Samantalang sa ikalawang pagkakataon, muling pinarangalan si Vice Gov. Daniel as Most Outstanding Local Legislator. Ayon kay Mr. Harry Tambuatco, President/CEO ng Superbrand Marketing International, Inc., na siyang nagbigay ng naturang karangalan kay Vice Gov sa ikalawang pagkakataon, kaya si Vice Gov ang kanilang napili ay dahil sa mga pograma at proyekto nito, tulad ng Damayang Filipino; Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo; Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Alay ng Bulakenyo; Damayang Filipino Computer on Wheels; Call Center Training Program; and Medical Mission and Feeding Projects in the province of Bulacan.
When asked kung papayag siyang maging running mate ni Roxas or Binay sa pagka-bise presidente kung saka-sakaling kausapin siya ng dalawang kampo, napangiti si Vice Gov. Daniel. Sasagutin raw niya kapag kinausap siya ng dalawang kampo.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo