Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando opposes call to declare Aiko Melendez ‘persona non grata’

TULAD NG KANILANG hakbang, isinumite ng Municipal Mayors of the Philippines (Bulacan Chapter) sa Sangguniang Panlalawigan ang nilagdaang Resolution 03-2011 na naglalayong ideklarang mga persona non grata ang mga taong nasa likod ng umano’y paninirang-puri laban kina Bulacan Mayor Patrick Meneses at Pandi Mayor Enrico Roque.

Ngunit “binaril” ni Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando ang nasabing resolusyon, majority of which ay nilagdaan ng 15 kasapi nito out of its 21 members.

Ayon sa aktor-pulitiko, hinihikayat niyang mag-usap na lang nang masinsinan sina Mayor Patrick at Aiko Melendez na kapwa niya mga kaibigan. Dismayado naman ang mga signatories ng naturang resolusyon sa naging desisyon ni Daniel.

Malinaw ang pakiusap ng gobernador for the ex-sweethearts to settle the matter amicably (pero labas na siya sa dalawang kasong libel na isinampa nina Meneses at Roque laban kay Aiko). That being Daniel’s stand, naniniwala rin siya that the issue is purely personal, at walang kinalaman ang buong lalawigan ng Bulacan sa isinusulong ng mga kabaro nina  Patrick at Enrico.

Samantala, kahit hindi man kami mapaunlakan ni Aiko ng interview for Startalk TX, we constantly touchbase with her para kumustahin ang kanyang kalagayan. Let’s face it, hindi birong mental anguish ang pinagdaraanan ng aktres, bagay na tiyak na ipinagbubunyi ng kanyang mga detractors.

In her latest text reply to us, sinabi ni Aiko na: “Rons, nagkakasakit na nga ako dahil alam mo ‘yung feeling na gusto mong magsalita, pero para wala nang gulo ay mas mabuting manahimik ka na lang. Pero Rons, ilalaban ko ‘to.”

Aiko’s silence should not be construed as admission of guilt, nasa proseso lang ang kanyang management office (Backroom, Inc.) sa pag-aantabay ng court summons. In time, Aiko will let us all hear her side.

Kung tutuusin, mas nakakaintriga pa nga what Aiko’s camp’s next move will be, beyond what is calculable. Samantala, nais lang naming linawin—base sa isang tabloid item (hindi rito sa Pinoy Parazzi)—that we are no Aiko’s paid hacks.

Our write-ups in defense of Aiko may be biased, but such write-ups are neither pre-paid nor post-paid.

A MOTHER’S SACRIFICES for her child are boundless. Ito ang tema ng post-Mother’s Day episode ng Face To Face ngayong Lunes na pinamagatang Inang Tatlong Beses Na Nagbigti Dahil Sa Mga Walanghiyang Anak Ay Di Na Makapagtimpi.

Nakapanlulumong kuwento ito ni Aling Zabeth na matindi ang sama ng loob sa kanyang dalawang lapasta-ngang anak. ‘Yung isa, “Zabeth” lang ang tawag sa kanyang ina, pero mas malala ‘yung isa pang anak na pinagsalitaan ang ina na “Mamatay ka na sana, matanda ka!”

‘Di ba, ang sarap pagtatampalin ang mga walang utang na loob na ito?!

Bukas, Martes, abangan naman ang episode na Si Lola, May Apong Favorite Kaya’t Manugang Ay Galit Na Galit At Asawa Niya’y Ipit Na Ipit. Sino ang kakampihan ni Rudy: ang kanyang inang si Aling Nora o ang kinakasama niyang si Rhea na gustong ipaturing sa anak na patay na ang lola nito?

Ang nakakaloka, napadaan lang si Wilma Doesn’t sa bangayan ng mag-aanak pero nakisawsaw ang hitad.

Teka, kopyang-kopya na yata ang programa mo, Tsang Amy, sa Starbox nina Ali Sotto at Papa Jack na meron ding celebrity guest na may pareho ring kuwento, ah?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleCarl Gueverra not having a girlfriend for almost two years!
Next articleGloria Romero won’t retire in acting… not so soon!

No posts to display