MAY IPINAPANUKALA ngayon ang LTO na palitan ang disenyo ng plaka ng lahat ng mga sasakyan. Ang dahilan na ibinigay ng LTO ay sapagkat ang bagong isinusulong nilang disenyo ay proteksyon daw laban sa pagkakaroon ng magkakaparehong plaka ng magkakaibang sasakyan.
Dagdag pa ng LTO, ang mga bagong plakang ito raw ay mahirap baklasin. Kapag pilit na binaklas, masisira ito at ‘di na puwedeng gamitin. Hindi rin daw ito puwedeng pekein kaya madaling maispatan ng mga taga-law enforcement at traffic enfor-cers ang mga gumagamit ng fake license plates.
Ang bagong disenyo raw ay makatutulong din sa pagsugpo sa anti-carnapping campaign ng gobyerno. Tuluyan na rin daw masusugpo ang problema tungkol sa mga kolorum na sasakyan.
At kapag nakapasa, lahat ng mga plaka ng mga sasakyan ngayon ay kailangang i-surrender sa LTO at ang mga may-ari nito ay kailangang magbayad para sa kapalit na bagong disenyong plaka.
SA KAGUSTUHAN ng ilang mga taga-LTO na kumita, garapalang iniinsulto ng mga balasubas na ito ang mga Pilipino. Ginagawa nilang bobo ang sambayanan.
Alam naman nating lahat na ito ay isang malaking raket na naman. Ang masaklap sa raket na ito, rektang madudugasan ang bawat mamamayan na nagmamay-ari ng sasakyan.
Malamang, habang isinusulat ang artikulong ito, meron nang kontraktor na napangakuan ang LTO na siyang mabibigyan ng kontrata para sa paggawa ng bagong disenyong plaka. Siyempre, ngayon pa lang naipangako na rin ng kontraktor ang SOP na mapupunta sa mga may pakana ng raket na ito.
HINDI BA alam ng mga moron na ito na ang sinasabi nilang pagkakaroon ng duplication of plates ay kadalasang kagagawan ng LTO bunsod ng kabobohan ng palpak nilang mga tauhan.
Hindi rin ba alam ng mga idiot na ito na may ilang mga traffic violation na kailangang binabakbak ng traffic enforcer ang plaka ng sasakyan maliban sa pagkumpiska sa lisensiya ng driver.
Hindi rin ba alam ng mga imbecile na ito na ang tuluyang pagsugpo sa problema sa mga kolorum na sasakyan na naglipana sa mga lansangan ay hindi nakasalalay sa plaka kundi sa mga tiwali nilang kawani na nakikipagsabwatan sa mga kolorum operator.
Pero isang bagay na nakatitiyak tayo; alam ng mga ignoranteng taga-bundok na ito na batid nating lahat na ang talagang layunin nila para palitan ng bagong disenyo ang lahat ng plaka ng mga sasakyan ay hindi sa kung ano pa man, kundi dahil sa gusto lamang nilang mamera. Gayun pa man, dahil sa bullet proof ang mga mukha nila – ‘di tinatablan ng bala sa kapal – kaya wala silang pakialam.
ANG T3, “Kapatid, Sagot kita” ay mapapanood nang muli Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00pm sa TV5. Ang programang ito ay pinayagan ng Court of Appeals na muling maibalik sa ere matapos patawan ng 90-day suspension order ng MTRCB.
Ang inyong lingkod ay mapapakinggan din sa programang WANTED SA RADYO (WSR) sa 92.3 NewsFM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito ay naka- simulcast sa AksyonTV channel 41.
Ang WSR ay may TV show din sa TV5 na mapapanood tuwing Lunes pagkatapos ng Pilipinas News. Ito ay pinamagatang WANTED.
Ang action center ng WSR ay matatagpuan sa 163 E. Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City. Ito ay bukas para tumanggap ng mga sumbong Lunes hanggang Biyernes mula 8:00am-4:00pm.
Ang text hotline ng WSR at ng WANTED ay 0917-7WANTED.
Shooting Range
Raffy Tulfo