UNTI-UNTI NANG NAGIGISING ang mga taga-Bulacan sa nagaganap sa kanilang lugar.
Kaya nga sila na mismo ang nagkakaloob sa atin ng mga impormasyon na siyang magpapatunay kung paano sila (o tayo) binobola ni Gov. Willy Sy-Alvarado at ng kanyang mga kasapakat.
Na kesyo mahal daw nila at pinangangalagaan ang kanilang mga ilog diyan sa lalawigan ng Bulacan.
Sus! Ilang araw na, parekoy, mula nang inilabas natin dito ang tungkol sa iligal na quarry sa Pulilan.
Gayundin ang panganib na dulot ng Diwata plastic factory na maliban sa napakabahong amoy ay bumubulwak pa ang kanilang nakakalasong kemikal sa ilog ng Malolos.
Pero tahimik pa rin si Gov. Alvarado sampu ng kanyang mga kasapakat sa DENR.
At patuloy tayong binobola na mahal daw nila at pinangangalagaan ang kanilang mga ilog dyan sa Bulacan.
Sige, parekoy, dadagdagan pa natin…
May nagpaabot na ba sa ‘yo Gov. Willy Alvarado na diyan sa boundary ng Pulilan at Plaridel ay may malaking factory ng “peanut”?
Kaya ko sinasabing “peanut” ang produkto ng pagawaan na ito, dahil Koreano ang may-ari… at pa-Ingles-Ingles pa!
Pero kung babanggitin lang natin ito Gov. Alvarado sa tagalog…
Mani talaga itong bumabaho dyan sa boundary ng Pulilan at Plaridel!
At hindi parekoy isang ordinaryong baho lamang ng isang “mani” ang nagbibigay ng napakalaking suliranin ngayon ng mga taga-roon.
Uulitin ko Gob, nakasusulasok talaga ang maaamoy mo d’yan sa factory na ‘yan ng mani!
At . . . ang masakit . . . muli . . . sa ilog na naman ibinubulwak ng lintek na factory na ‘yan ang napakadumi at napakabaho na maruruming elemento mula sa mani!
O, Gov. Willy Sy-Alvarado, kulang pa ba ang mga ibinunyag ko dito kung paano binababoy, ginagahasa at nilalason ang mga ilog d’yan sa Bulacan, habang binobola mo ang taumbayan na minamahal at pinangangalagaan mo ang mga ilog na ‘yan?
Sige, dadagdagan pa natin ‘yan sa Lunes!
INAANYAYAHAN ko po kayo na making sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09152121303.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303